Sa Pilipinas, ramdam na ramdam mo ang Pasko sa labas dahil sa Christmas Tree, Christmas lights at mga Parol. Si Santa Claus with his reindeers nagkalat sa daan lalo na ang Belen na talaga namang pinagkakaabalahan ng sobra. At since walang mga ganyan dito sa kaharian ng disyerto syempre improvise ang mga lola mo! Ganyan ang Pinoy, madiskarte at creative! Letter cutting para sa banner (ako gumawa nyan) at higit lalo na ang home made Christmas Tree namen. Ginawa naming poste ng tree ang Coat hanger (kung yun ang tawag dun!) Napakamalnourish ng tree namen dahil sa konting decorations pero at least mukha pa rin syang Christmas Tree. Ang over all design namen ay super duper cute (cyempre gawa namen) 100% sa effort!
At syempre hindi mawawala ang kainan! Favorite part ko yun! Tulong tulong kame sa pagprepare ng food. Nakakaloka sa busog ang Noche Buena namen. PIKTYUR PIKTYUR IS A MUST!!! Smile dito, smile dyan, basta makadampot ng phone o ng camera, click at pose ang mga loka loka! Sarap ng tawanan at kainan habang may Christmas Songs sa background.
Hindi rin kame magpapahuli sa parlor games sponsored by our loving tatay at nanay sa saudi. Naglagay sila ng papel sa loob ng mga lobo at ang mga feeling bata (kame yun) ay dapat mong putuking ang balloons using darts! Pag sinwerte ka, may nakasulat sa papel na amount ng pera na pede mong makuha! Oh di ba Instant Pamasko! Ang kaso hindi ako sanay magdarts, halos wala nga akong tinamaang lobo! Nakakaloka! Peo okay lang kasi sobrang saya namen kakalaro nun, tawa kame ng tawa. Ang gandang eksena! Buti nga hindi nagreklamo yung mga arabong kapitbahay namen sa ingay! hehe
My loving and funny Disyerto Family! |
Wala pa ding tatalo sa Pasko sa Pinas! Pero kahit nasaan ka mang lupalop mapadpad, kung kasama mo naman ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sayo - mga taong TOTAL STRANGER noong una pero naging malapit sa puso mo magiging happy pa din ang Christmas mo!
A VERY HAPPY MOMENT INDEED!
No comments:
Post a Comment