Showing posts with label ako sa saudi. Show all posts
Showing posts with label ako sa saudi. Show all posts

Sunday, April 8, 2012

20 days to go!!


Sa pinili kong propesyon, pasyente ang pinakamahalaga. Sila ang sentro ng trabaho namen. Ang taong tutulungan namen upang sila ay gumaling o maibsan man lang ang sakit na pinagdadaanan nila.
Paano ko ba idedescribe ang mga pasyente dito?
Mga hindi marunong magantay, bastos, walang common sense. Ilan lang yan sa ugali nila, hindi lang mga pasyente kundi karamihan sa mga saudia dito. Gusto nila pag dumating sila, dapat unahin mu sila kahit may nauna sa kanila. Kung bastusin at sigawan ka sa harap ng ibang tao, ganun ganun na lang. Kung umasta akala mu binili ka na nila. Kung tayong mga pinoy, halimbawang may sakit tayo hanggang maari pinipilit nateng wag munang kumusulta s doktor. Self medication ang uso saten. Minsan nga oa na ang pagdodoktor doktoran naten. Haha. Pero dito magasgasan lang sila takbo na dito para ipalinis. Mainit lng ang anak nilang tatlong patong ang damet, nilalagnat na sa kanila. Nilungad lang ang bagong panganak na sanggol, nagsusuka na sa kanila yun. Matatawa ka nalang sa kanila.
Dito nasubok ang haba ng pasensya ko. Inubos nila ng bongga! Panget mang tingnan, minsan pinapatulan ko na. Nakakainit na ng ulo ang kabastusan nila. Hindi ko kinaya.
Pero sa 10 saudia na nakikilala ko sa isang araw, meron pa ding sumusulpot na isang saudia na maayos kausap, marunong magantay, may respeto sayo kahit hindi ka nila kalahi.
At the end of the day merong isang pasyente na magsasabi ng "Shokran, sister!" (salamat, sister) ang gaan gaan na sa pakiramdam. Sa mga taong masasama ang ugali, may naligaw na naappreciate ka at ang tulong na nagawa mu sa kanila. Mapapaisip ka na sana ganun na lang ang lahat ng tao dito...
Published with Blogger-droid v2.0.4

malapit na!


Dalawang taon at halos apat na buwan - ganyan na ako katagal dito sa saudi. Sa panahon na yan andame kong nakilala at natutunan. At sa haba ng mga buwan at araw na tiniis ko, hindi ko naisip na dadating talaga ang araw ng paguwi ko. Eto na un oh!
Uuwi na daw ako sa 28 ng april!
Akalain mu yun 20 days na lang!!
Kung pwede lang hilahin ang mga araw para 28 na, ginawa ko na. At para malibang ako habang inaantay ko ang much awaited event ng buhay ko ngayon, magkacountdown nalang ako, kasama ng pagpost sa mga taong nakilala at nakasalamuha ko dito!
28 dumating ka na!
Published with Blogger-droid v2.0.4

Saturday, March 31, 2012

Ang nega mo kasi!

Kagabi tinanong ako ng friend ko, (Habang depress na depress ako at nagseself pity...)
Friend: tatanungin kita... Pag naholdap ka sa jeep at nakuha ang brand new mong phone, wallet, at iba pang importanteng gamit, anung gagawin mu?
Me: madedepress ako... Ang malas malas ko talaga!!!
Friend: wrong answer! Madedepress ka oo.. Pero diba mas magandang nagpasalamat kang buhay ka at hindi ka sinaktan ng holdaper..
AND THAT HIT ME BIG TIME!
Ang nega nega ko kasi! Sa lahat ng nangyayari meron pa din akong dapat ipagpasalamat. Mali lang ako ng side na tinitingnan...
Sabe nga sa commercial,
THINK POSITIVE, WAG KANG AAYAW!
Published with Blogger-droid v2.0.4

Friday, March 30, 2012

Faith...

Grabe akong madepress. Sobrang dinidibdib ko ang lahat ng problemang nangyayari saken. Dumadating sa puntong tinatanong ko na ang sarili ko, baket ako? Baket ganito? Nawawalan na ako ng faith minsan, pag hirap na hirap na akong harapin ang lahat. Kiniquestion ko na si Lord kung baket nangyayari sakin to. Paliit ng paliit ang faith ko.
After a while, pag nahimasmasan na ako...
Marerealize kong mali lahat yun. Baket ko kiniquestion si Lord? Hindi nya ako bibigyan ng pagsubok na hindi ko kakayanin. May tamang panahon at pagkakataon na ibibigay nya din un. Wag magmadali. Sa grocery at sari sari lang ang instant ngayon. Ang buhay ko ay hindi instant na pag may problema ako gusto ko may solusyon agad.
Nakakaguilty kasi yung thought lang na binuhay nya ako, na hindi ako pinabayaan sa isang araw, wala akong sakit at ok ang lahat ng mahal ko sa buhay dapat ipagpasalamat ko na.
Unting pagsubok to test my faith ganito na ako agad.
Hindi dapat ganito..
Have faith aizzie and everything will turn out well.
GOD LOVES YOU...
Published with Blogger-droid v2.0.4

My Agony of Waiting

Alam mo yung feeling na parang walang pakialam sayo. Sadyang manhid at pinagwawalang bahala kahit na humagulgol ka pa sa harap nia.
Yan ang nangyayari sakin ngayon. Araw araw na akong nakikiusap sa employer ko na pauwiin na ako. Tapos na ang contract at iquama ko. Kahit isang aksyon wala akong nakikita sa kanya. Sa susunod na linggo, after ten days, yan ang lagi nyang palusot saken. Pag may dumating na bagong nurse saka daw ako makakauwi. Kelan pa cya dadating. Hanggang kelan pa ako dito. Natatakot ako sa sinasabe nya, mamaya magkaproblema ako sa papel ko hindi ko pa alam. Marami syang koneksyon sa labas, dinadaan nya ang lahat sa pera nia kaya mabilis syang nakakapagasikaso. Ang tanong kelan nya balak ayusin ang paguwi ko.
Philippine Embassy... Naisip ko ng tawagan yan. Natatakot lang ako dahil baka lalo lang nila akong ihold, lalo lang akong madelay, lalo lang magkaproblema. Sabe ng mga tao dito wag daw akong tumawag, baka may madamay pang iba. Dati kasi may nagsumbong ng egyptian nurse dito sa embassy nila. Pinatalsik sya kasama ng lahat ng kalahi nya. Baka daw gawin sa akin un, sa lahat ng pinay dito.
Pero hanggang kelan ako magaantay, hanggang kelan ako mangungulit. Malaman ko lng na pinaprocess na ang papel ko at pinapabook ako mananahimik na ako. Gusto ko lang umuwi agad dahil sa dame ng problema between my parents, mga nangyaring kailangan na ng prescence ko...
GUSTO KO NG UMUWI...
KAILANGAN KO NG UMUWI...
KELAN?
KELAN?
KELAN?
KELAN?
Published with Blogger-droid v2.0.4

Hold...

Alam mo yung feeling na parang walang pakialam sayo. Sadyang manhid at pinagwawalang bahala kahit na humagulgol ka pa sa harap nia.
Yan ang nangyayari sakin ngayon. Araw araw na akong nakikiusap sa employer ko na pauwiin na ako. Tapos na ang contract at iquama ko. Kahit isang aksyon wala akong nakikita sa kanya. Sa susunod na linggo, after ten days, yan ang lagi nyang palusot saken. Pag may dumating na bagong nurse saka daw ako makakauwi. Kelan pa cya dadating. Hanggang kelan pa ako dito. Natatakot ako sa sinasabe nya, mamaya magkaproblema ako sa papel ko hindi ko pa alam. Marami syang koneksyon sa labas, dinadaan nya ang lahat sa pera nia kaya mabilis syang nakakapagasikaso. Ang tanong kelan nya balak ayusin ang paguwi ko.
Philippine Embassy... Naisip ko ng tawagan yan. Natatakot lang ako dahil baka lalo lang nila akong ihold, lalo lang akong madelay, lalo lang magkaproblema. Sabe ng mga tao dito wag daw akong tumawag, baka may madamay pang iba. Dati kasi may nagsumbong ng egyptian nurse dito sa embassy nila. Pinatalsik sya kasama ng lahat ng kalahi nya. Baka daw gawin sa akin un, sa lahat ng pinay dito.
Pero hanggang kelan ako magaantay, hanggang kelan ako mangungulit. Malaman ko lng na pinaprocess na ang papel ko at pinapabook ako mananahimik na ako. Gusto ko lang umuwi agad dahil sa dame ng problema between my parents, mga nangyaring kailangan na ng prescence ko...
GUSTO KO NG UMUWI...
KAILANGAN KO NG UMUWI...
KELAN?
KELAN?
KELAN?
KELAN?
Published with Blogger-droid v2.0.4

Monday, March 19, 2012

ipit pilipit...


Situation :
Dalawang importanteng tao sa buhay ko, dalawang taong hindi ko kayang wala sa tabe ko ang hindi magkaunawaan ngayon. Pataasan ng pride ang labanan. Lumelevel up ang pagsasawalang kibo ng isa't isa. Sasabihin ng isa, mali ang ginawa niya, wala akong balak makipag ayos sa kanya. Depensa ng isa, hindi niya ba naisip na kaya ako nagkakaganito ay dahil sa kanya din nagsimula.
Nalilito na ko. Stress na stress na ang utak ko. Ipit na ipit na ko sa kanilang dalawa.Hindi ko alam papano kakausapin ang dalawang tao na nagpapataasan ng pride. Hindi ba nila naisip ang mararamdaman ko. Hindi ba nila naisip na nasasaktan din ako....
DEAR LORD, PLEASE GIVE ME STRENGTH. I CAN'T DO THIS ON MY OWN.
Published with Blogger-droid v2.0.4

Wednesday, March 14, 2012

Heaven Sent

Sa mahigit dalawang taon na nandito ako sa saudi, hindi ko naaapreciate ni minsan ang ugali ng mga arabo. Mga mayabang, matapobre, bastos at kung anu anu pa. Wala pa nga yatang sampu ang kilala kong arabo na may maayos na ugali.
Hindi ko inakala na isang arabo na complete stranger para saken ang tutulong sa problema ko sa lisensya ko dito. Ayaw kasing ibigay ng amo ko ang license ko dahil sya daw ang nagbayad nun at wala naman daw silbi sa pinas ang license q dito.
Mr. Ibrahim ang pangalan ng good samaritan na tumulong saken para makakuha ako ng copy ng license ko. May koneksyon sa ministry kaya natulungan nya kame. Huwag na lang daw namen sabihin sa amo namen dahil baka magkaproblema pa.
Ang bait bait talaga ni LORD!!! Magpapadala talaga siya ng tao para tumulong sayo. Hinding hindi niya tayo pababayaan.

WE JUST HAVE TO COMPLETELY TRUST AND HAVE FAITH IN OUR ALMIGHTY LORD!!!

GLORY BE TO GOD!
Published with Blogger-droid v2.0.4

balikbayan box...

Feels like a century have past, sa dame ng pagtitiis ko sa mga arabong makulit,dalawang taon n pla ako dito akalain mu yun.

UUWI NA AKO!!!

Pero bago ang araw ng paglisan ko sa disyertong to,syempre hindi pwedeng hindi ko gawin ang usual na ginagawa ng mga pinoy na pauwi na - ang magpadala ng balikbayan box

One year palang ako dito nagiipon na ako ng makita kong on sale sa Hyperpanda (parang SM Hypermarket saten.) Mapasabon pa yan,lotion, shampoo, de lata at kung anik anik, sige go grab lang ng grab! Naubos na nga ang ipon ko para mapunuan q ung kahon ko. Ang sarap ng feeling na makita mong bondat na bondat na si kahon sa laman nya sa loob.

Ibang usapan din ang pagtape ng labas ng kahon, may art pa akong nalalaman. Iniimagine ko na yung scene ng pagbubukas namen ng kahon sa pinas. Nakakaexcite!

Dumating na ang araw ng paglisan ng kahon ko. Akalain mong mauuna pa xang umalis saken s disyertong lugar na to. Hay! Masaya pa ding napuno ko siya para sa mga mahal ko sa buhay. :-)

To my dearest kahon,

Magiingat ka. Wag kang magpapalunod sa dagat! See you sa pinas!

Published with Blogger-droid v2.0.4

Monday, January 9, 2012

First Day

First Day ng 2012!!!



Yes! Happy New year naman sa inyo!! Hindi kame sama samang nagcelebrate ng New Year. Ang tatay tatayan namen may pasok tapos si friendship umuwi na ng pinas! Tatlo lang kameng nagcelebrate ng 2012's first day plus our new member (yug pumalit ay friendship) Simpleng kainan lang ang nangyari. Okay na din yun at least nacelebrate namin ang bagong taon kahit papano.



Ang bumawi sa simple gathering namen ay ang unkabogable Vice Ganda! Love na love ni umma (our beloved nanay) ang taong yun! Pinilit ko talagang idownload ang PRAYBEYT BENJAMIN para mapanood namen sa Media Noche. And as expected hindi kame binigo ni Vice Ganda! Ang sakit ng tyan namen kakatawa. We had a very funny way to welcome 2012 thanks to Vice Ganda! At least mapupuno ng tawa ang buong 2012 namen!

NEW YEAR. NEW HOPE. NEW LIFE. Ayoko nang magNew Year's resolution hindi naman totoo yun. Walang pinipiling panahon at oras ang taong gustong magbago. Pagod na din ako kakatalon sa tuwing bagong taon hindi rin naman ako tumatangkad! Asa!!!

Bagong taon, bagong trials, bagong problems to face but with our ALMIGHTY FATHER, we can surely surpass all of that with flying colors! I am hoping for new life lessons, new friends and good heath for my loved ones!

HAPPY 2012 EVERYONE!!!

Happy Days

Happy days. Happy moments! Yan ang feeling ng lahat ng tao saan man sulok ng mundo (wowowee!!) tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon. Masarap sa pakiramdam na kasama mo ang mga mahal mo sa buhay sa okasyong ganyan. Pero dahil nga sa pagiging OFW ko dito sa disyerto na hindi naman sinecelebrate ang special na araw na 'to, kailangan gumawa kame ng paraan para naman kahit papano ay maging special din ang araw na yun para sa amin.



Sa Pilipinas, ramdam na ramdam mo ang Pasko sa labas dahil sa Christmas Tree, Christmas lights at mga Parol. Si Santa Claus with his reindeers nagkalat sa daan lalo na ang Belen na talaga namang pinagkakaabalahan ng sobra.   At since walang mga ganyan dito sa kaharian ng disyerto syempre improvise ang mga lola mo! Ganyan ang Pinoy, madiskarte at creative! Letter cutting para sa banner (ako gumawa nyan) at higit lalo na ang home made Christmas Tree namen. Ginawa naming poste ng tree ang Coat hanger (kung yun ang tawag dun!) Napakamalnourish ng tree namen dahil sa konting decorations pero at least mukha pa rin syang Christmas Tree. Ang over all design namen ay super duper cute (cyempre gawa namen) 100% sa effort!

At syempre hindi mawawala ang kainan! Favorite part ko yun! Tulong tulong kame sa pagprepare ng food. Nakakaloka sa busog ang Noche Buena namen. PIKTYUR PIKTYUR IS A MUST!!! Smile dito, smile dyan, basta makadampot ng phone o ng camera, click at pose ang mga loka loka! Sarap ng tawanan at kainan habang may Christmas Songs sa background.




Hindi rin kame magpapahuli sa parlor games sponsored by our loving tatay at nanay sa saudi. Naglagay sila ng papel sa loob ng mga lobo at ang mga feeling bata (kame yun) ay dapat mong putuking ang balloons using darts! Pag sinwerte ka, may nakasulat sa papel na amount ng pera na pede mong makuha! Oh di ba Instant Pamasko! Ang kaso hindi ako sanay magdarts, halos wala nga akong tinamaang lobo! Nakakaloka! Peo okay lang kasi sobrang saya namen kakalaro nun, tawa kame ng tawa. Ang gandang eksena! Buti nga hindi nagreklamo yung mga arabong kapitbahay namen sa ingay! hehe

My loving and funny Disyerto Family!


Wala pa ding tatalo sa Pasko sa Pinas! Pero kahit nasaan ka mang lupalop mapadpad, kung kasama mo naman ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sayo - mga taong TOTAL STRANGER noong una pero naging malapit sa puso mo magiging happy pa din ang Christmas mo!

A VERY HAPPY MOMENT INDEED!

Monday, December 19, 2011

Newbie sa Saudi part 3: Bagong Salta..

Pasalamat pa din ako kasi binigyan ako ni daddy ng mga lumang sim card na gamit nya dito sa Saudi. Good thing may laman pang load ung iba. Ginamit ko yun pantawag sa employer ko, tinanong ko kung kelan nya ko susunduin. Hay buti nalang tumawag sya at sabe nya mga 10pm nya pa ako masusundo. Grabe 2pm nasa Riyadh na ko, gabe na pala ako masusundo. Lahat ng Pinay dun nakakwentuhan ko na. karamihan sa kanila puro domestic helper - madameng touching stories. Alam mo naman ang Pinoy dinadaan sa kwentuhan ang inip at pag-aanatay, kaso gutom na kameng lahat, ang susunget pa naman ng mga tao dun sa waiting area. Tapos sabe nung ex- abroad na kasama kong nag-aantay minsan daw merong mga employer na ilang araw bago masundo ang employuye nila. May nabaliw na nga daw kakaantay sa susundo wala pa ding dumadating. Kaya nga salamat talaga sa Diyos at alam ko ang contact number ng amo ko at nagkausap na kame. ayokong magstay dun tsaka gutom na ko.  HInati ko na nga ung natitirang biscuit na baon ko kila ateng kasama kong nag-aantay...


Finally pagdating ng pst 11pm, tinawag na ang pangalan ko. Yehey! Anjan na ang sundo ko! Nagpaalam na ako kila ate na nakasama ko dun. Nakita ko na yung employer kong arabo kinakabahan na naman ako kasi sabe nila hindi daw magaganda ang ugali ng mga Arabo. Pagdating sa sasakyan, dinaldal ko xa ng konti, sumasagot naman sya kahit papano - later ko nalang nalaman na unting unti lang pala ang alam na English ng amo ko. haha Kaya pala puro tungo lang ang sagot nya sa mga tanong ko..

Antok na antok na ko kaso pinipigilan kong matulog - baka kasi kung saan ako dalhin ng arabong to eh. Everytime may makikitang akong polyclinic akala ko doon na ung amen hindi pa pala. 1hr pa pala ang layo ng lugar ko sa Riyadh at yung sinabeng name ng clinic na binigay ng agency saken hindi yun ang pangalan ng clinic na pagtatrabahuhan ko. Kamusta naman talaga ang agency na yun db!!!

At long last dumating na ako sa clinic, sa taas nya ang flat ng mga nurses. Sabe ng agency saken bago ako umalis makakasama ko dun yung una nilang pinadalang Pinay sa clinic - si Rodella. Pero pagdating ko dun wala akong rodellang naabutan - nalipat na daw siya sa kabilang branch ng clinc namen. Dalawang Muslim na pinay ang naabutan ko dun, taga Maranao sila at limang Egyptian. Nabuhay ako sa sign language doon, kasi hindi marunong mag-english ung ibang lahing kasama ko. Yung dalawang Pinay naman na kasama ko medyo masunget saken.

Sabe ng head nurse namen bukas bibigyan ako uniform. Hindi daw kasi pwede ung dinala kong unifrom eh. kinabukasan bandang 10am binigyan na ako ng uniform at bumaba na daw ako agad para maorient..

Sa mga nangyari sa aken mula sa pag-aaply, pag-aayos ng papel at sa flight ko papuntang saudi, malaki ang pasasalamt ko kay Lord kasi hindi nya ako pinabayaan. Lage akong nagdadasal kasi hindi ko alam ang mangyayari saken sa lugar na to. Pasalamat ako kasi everytime na mukha na akong naliligaw at hindi na alam ang susunod na gagawin may tao pa din syang binibigay para tumulong saken. Ang bait bait talaga ni Lord!

eto na ang simula ng wala katapusang adventures ko sa kaharian ng saudi arabia...

*images are not mine =)

Newbie sa Saudi part 2: Lilipad na ko...

Halos tinakbo ko mula sa agency hanngang samen, kulang nalang sigawan ko ung mama sa LRT na bilisan nya. Tinext ang mga dapat itext. Pigil na pigil ang iyak ko habang nasa LRT habang tinitext ko si mommy na mamayang gabe na alis ko, iba pa din talaga pag dumating na yung araw na yun. Paguwi ko minamadali ako ni daddy, umalis na daw kame kasi baka maabutan kame ng traffic sa edsa. dumating na si mommy, bitbit ang mga huling ilalagay sa maleta ko. Pagdating ng kapatid ko sabe nya hindi nalang daw xa sasama... Grabe kung pwede lang huminto ang oras, hindi ko sila kayang iwan. Ayoko na yata. Hanggang sa bye bye part na. hagulgulan kame ng iyak ng kapatid ko, nakisali nadin si mommy...ang hirap hirap, ang sakit sa dibdib..

Maaga din kame nakarating sa airport, kumain muna kame ni mommy sa jollibee. Si daddy naiwan sa sasakyan, hindi kame in good terms ng daddy ko that time kaya hindi kame nagiimikan sa sasakyan. Kay mommy ako nagiiyak at nagsesentimyento. Si Ate Vangie ang kasabay ko pagpasok sa airport. Sinalubong kame ni Piyo - ang liason officer kuno ng agency - sinabe na kapag tinanong ako sa immigration sabihin ko dadalawin ko lang ang nanay ko na nakapag-asawa ng arabo. Oh db - malinaw pa sa sikat ng araw ang totoong kulay ng agency na pinasukan ko. 1am kame pumasok sa loob ni ate vangie. Kinakabahan pa nga ako kasi parang ang bigat bigat na ng maleta - baka maover baggage pa ko. Wala na akong dalang Philippine money that time. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa mommy ko,gusto ko na talagang umatras that time eh. Hanggang sa huling yakapan na bago pumasok sa loob - alam kong pigil na pigil lang ang luha nameng dalawa nung naghiwalay kame. Hirap ng ganon.



Pagpasok sa loob, pila, text, yan ang inatupag ko. At salamat sa Diyos hindo ako naexcess baggage. Si Piyo ayun nakamasid sa labas - pag may problema itext lang daw sya. Eto na immigration na, kinakabahan na ko, alam kong mali ang ilalagay ko sa form eh, alam kong hindi totoo ang sasabihin ko just in case tanungin ako. Good Thing lumagpas ako ng immigration ng walang kahirap hirap! Kaso si Ate Vangie nagkaproblema, antagal nya. Sabe nya mauna nalang ako, antayin ko na lang sya sa loob, eh di go with the flow na ko.Lumagpas na ko sa checking ng hand carry ko at kapkapan moments wala pa din si Ate Vangie. Nakasabay ko pa nga ang Aegis doon. Nakakatuwa lang.

Ayan nagkatagpo na din kame ni Ate Vangie sa wakas! Nagaantay nalang kame ng pagalis namen, 3am pa kasi ang flight namen. Nagkwento muna kame. Photographer sya na papuntang Al-Khobar yata. Nagtext na din ako ng final goodbyes kay mommy, hindi na ko nakapagpaalam kay daddy, hindi pa din naman kasi in good terms eh. Hanggang sa sinabe na ng attendant na pumila na according to seat number, ang malas hindi kame magkatabe ni Ate Vange, sobrang malayo yung seat number nya saken. Naghiwalay na kameng dalawa, pumasok na ko sa eroplano. Grabe first time ko toh! Hindi din naman pala nasusunod ang arrangements ng seat pagdating sa loob, andaya gusto ko pa anman sa tabi ng bintana.

Hindi ko alam ang features ng seat ko hehe nagtanong pa ako sa taong nasa likod ko, ang sunget kasi nung babaeng katabe ko, obvious na obvious pa namang first time ko hehe. Nakikigaya nga lang ako sa mga ginagawa ng mga tao sa paligid ko eh. Konting orientation tapos ayun tulugan time na. Last text kay mommy bago matulog. Sandaling sandali lang ako nakatulog. Nanood ng movie si ateng masunget kaya nakigaya ako hehe. 17 again ang pinanood ko, in fairness natapos ko xa at nagandahan ako. Tapos kainan time na pala. Ang sarap ng food kahit alm kon ininit lang yun sa microwave hehe. Hindi ko naubos lahat akala ko ibibigay nila yung hindi mo nakain yun pala kukuhanin din pala nila. Later ko nalang nalaman na pwede palang kuhanin at itabe na yun, pati nga ung socks at eye cover hindi ko kinuha eh. hehe



Dumatng na kame sa stop over namen sa Bahrain, go with the flow nalang ako hindi ko na makita si ate vangie eh. Magaantay pa ako ng two hours bago ang flight ko sa Riyadh. May nakakwentuhan akong mga Pinay na kasabay kong nag-aantay. mauuna lang ako ng flight time sa kanila pero paRiyadh din sila. Eto na time to go na naman, kinakabahan na talaga ako this time, kasi puro Arabo na ang kasabay ko, wala akong makitang babae. Natatakot ako! Awa ng Diyos nakasakay ako ng matiwasay sa eroplano. Sabe nung stewardess na pinay itatabi nya daw ako sa babae kasi nakakastress katabe ang mga Arabo. Dun ko nakilala si Ate Yvonne, Dentist papuntang Riyadh. Mabait talaga si Lord. Si Ate Yvonne ang nagguide saken hanggang sa makarating kame ng Riyadh airport papunta sa waiting area ng mga babae sa Airport. Aantayin mu ang employer mo na sunduin ka. Kinuha pa nila ang passport ko, sabe naman ni ate yvonne ibabalik yun pag dumating ang employer mo. Naabutan na ko ng mga nakakwentuhan kong Pinay sa Bahrain wala pa din ang susundo saken. 2pm ako dumating, 6pm wala pa din xa. Si Ate Yvonne nasundo na ng employer nya. Buti nalang may nakilala akong Pinoy dun na kasama kong nag-aantay si Ate Linda - mananahi xa ng wedding gowns sa Riyadh. Sabe nya mag-iingat ako dito, wag basta basta magtitiwala, pag kailangan ko ng tulong itext nya lang daw ako.

Kaso umalis na si Ate Linda hindi pa din ako nasusundo....


*images are not mine

Sunday, December 11, 2011

Newbie sa Saudi part 1: Ang simula ng lahat

After I took my board exam, struggle saken ang maghanap ng trabaho. Hanggang sa nagvolunteer nurse ako at nauwi sa pagiging school nurse for almost two years. Minsan nabanggit ng mommy ko na nag-apply daw papuntang Saudi Arabia yung friend nyang dentist. Kelangang din daw ng nurses sa clinic na aaplayan nya, sabe ni mommy itry ko daw. Ayoko!!! Yan ang una kong sagot. HIndi ko kayang umalis ng Pilipinas, tama nang si daddy na lang ang nasa ibang bansa. Pero pinilit pa din nila akong mag-apply, pati si dentist friend kinausap ako. Wag daw ako matakot, magkasama naman daw kame. Ako naman wala ng nagawa at parang si Kokey na OPO nalang ang naisagot.

At dahl sa pilit lang naman 'to, hindi bukal sa loob ko ang pag-aaply at pagaayos ng papers ko. School Nurse pa din naman ako that time eh, kung kelan ko gusto magayos ng papel saka lang ako magaabsent sa work at pupunta ng PRC, DFA at kung saan- saan pa. September ako nagstart magayos ng papers pero November ko xa natapos lahat, db tamad! Pero sabe nila kung nagpursue talaga ako na maayos agad lahat ng documents na kelangan ko within a month okay na daw lahat yun. HIndi biro magayos ng papers ha, nakakaiyak ang pagtravel at pagpila at yung thought na mabpapabalik-balik ka. Yung agency pa namang kumuha saken pinerahan lang kame at kung anu-anong sinasabeng mga dahilan. AYOKO NA TALAGA! Pero as always napilit ako at sabe ituloy ko na lang daw ang nasimulan ko.


First week ng december, settled na lahat ng papers ko - red ribbon, visa, medical ok na lahat yan. WALA NA TALAGANG ATRASAN TO! Ang kaso yung dentist friend ni mommy nagkaproblema pa sa medical nya, yan tuloy mauuna pa akong makaalis sa kanya. Sya pa naman tong ang laking pilit na magapply ako kasi kasama ko naman xa tapos mauuna pa din pala ako sa kanya. Any moment pwede na daw ako umalis sabe ng agency. Nakiusap kame ni mommy baka pwedeng after christmas nalang ako umalis, kaso hindi na daw pwede, urgently needed daw eh.Okay Fine! Tinanggap ko na lang na hindi ako makakapagpasko sa pinas.

December 14 suppose to be ang flight ko, pero naihanap ako ng agency ng makakasabay ko kahit hanggang sa eroplano lang na papunta din ng Saudi. Kaya naging indefinite na naman ang flight ko. Ang hirap iready ang sarili sa pagalis mo knowing na two years mong hindi makikita ang mga mahal mo sa buhay..HINDI KO YATA KAYA!!!!

December 18, 2009 - tinawagan ako ng agency para pumunta sa kanila. Pagdating ko dun sinabe nilang iready ko na ang sarili ko at mamayang gabe na daw ang flight ko....


*images are not mine =)

Wednesday, December 7, 2011

OFW

Remitance, overseas call, long letters chat, packages, paghatid at pagsundo sa airport - hindi na bago sa aken yan, dahil si daddy ay isang OFW, bagong bayani sabe nga nila. Pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na magiging isa ako sa kanila. Sa propesyon na pinili ko (o mas madaling sabihing "ipinakuha saken"), wala akong kabak balak na magtrabaho sa ibang bansa. Ang panuntunan ko noon sa buhay - "Pwede kong kitaiin sa 'Pinas ang kikitain ko sa ibang bansa!" Pero sa dame ng nurses sa pinas na walang trabaho, ayun kinain ko ang sinabe ko at sinubukang mag appltt abroad. Pinalad naman akong mapasok.

Sinasabe saken ni daddy noon mahirap mging OFW, napatunayan ko un nung ako na mismo ang nakaranas ng mga totoong nangyayari sa isang OFW - discrimination, miscommunication at grabeng patayan sa trabaho. At ang napakatinding kalaban mo ay ang HOMESICK. Pasalamat nalang ako at nasa iisang bansa kame ni daddy ngayon kaya natatawagan nya ko at napupuntahan.

Pag araw ng sweldo, itatabi na agad ang perang ipapadala sa pinas, hindi ako inoobliga ng mga magulang kong magpadala sa kanila, pero responsibildad kong tumulong sa kanila kahit papano. Minsan mas nakakastress pa ang kasama mong ibang lahi, nkakabaliw sila, gusto mo nalang sumuko at umuwi nalang sa pinas. Pero sabe nga ng tatay ko hindi ito Pilipinas na isang sakay mo lang ng MRT ay nasa bahay kana. Matutong makisama sa ibang tao lalo na sa ibang lahi para wag nalang magkaroon ng gulo. Madaling magsabi ng sorry at ipagwalang bahala nalang basta hindi ka nila sinasaktan o inaapakan.

Mahirap magng OFW. lahat titiisin mo para sa mga naiwan mo sa pinas - lahat magagawa mong gawin para sa kanila. Kaya nga marinig mo lang ang boses nila o makita sila sa internet ay heaven na para sa ameng malayo sa pinas. Meron na ulit kameng lakas para labanan ang hirap at pagod sa ibang bansa....