Pag may problema ang tao na hindi masolusyunan agad o isang bagay na nangyaring hindi niya matanggap - madalas syang dumaan sa stage of DEPRESSION.
Isa ako sa mga taong sa supermarket dumideretso pag nadedepress, particularly sa chocolates and ice cream section. Uuwi ng bahay, magmumukmok sa kwarto habang hawak sa kamay ang ubod ng laking tsokolate o isang gallon ng ice cream na balak mong solohin. Sino mang sumubok manghingi ay makakatikim ng lumelevel up na high kick at super punch galing saken! Triple knock out ang katapat, kawawang nilalang.
Anu nga ba ang meron sa tsokolate at sorbetes? Bakit sila ang lagi nating takbuhan pag depress tayo?
Sabe ng professor ko nung college, ibaling naten ang sisi kay Mr. ENDORPHIN, the happy hormones. Siya ang may kasalanan dahil sa pageksena nya sa contents ng chocolates and ice cream kaya parang kesaya saya naten sa pagkain na yan. And because depression never leaves my side, I will forever embrace the happiness that I feel with chocolates and ice cream! o_O
Published with Blogger-droid v2.0.4
No comments:
Post a Comment