Friday, March 30, 2012

Hold...

Alam mo yung feeling na parang walang pakialam sayo. Sadyang manhid at pinagwawalang bahala kahit na humagulgol ka pa sa harap nia.
Yan ang nangyayari sakin ngayon. Araw araw na akong nakikiusap sa employer ko na pauwiin na ako. Tapos na ang contract at iquama ko. Kahit isang aksyon wala akong nakikita sa kanya. Sa susunod na linggo, after ten days, yan ang lagi nyang palusot saken. Pag may dumating na bagong nurse saka daw ako makakauwi. Kelan pa cya dadating. Hanggang kelan pa ako dito. Natatakot ako sa sinasabe nya, mamaya magkaproblema ako sa papel ko hindi ko pa alam. Marami syang koneksyon sa labas, dinadaan nya ang lahat sa pera nia kaya mabilis syang nakakapagasikaso. Ang tanong kelan nya balak ayusin ang paguwi ko.
Philippine Embassy... Naisip ko ng tawagan yan. Natatakot lang ako dahil baka lalo lang nila akong ihold, lalo lang akong madelay, lalo lang magkaproblema. Sabe ng mga tao dito wag daw akong tumawag, baka may madamay pang iba. Dati kasi may nagsumbong ng egyptian nurse dito sa embassy nila. Pinatalsik sya kasama ng lahat ng kalahi nya. Baka daw gawin sa akin un, sa lahat ng pinay dito.
Pero hanggang kelan ako magaantay, hanggang kelan ako mangungulit. Malaman ko lng na pinaprocess na ang papel ko at pinapabook ako mananahimik na ako. Gusto ko lang umuwi agad dahil sa dame ng problema between my parents, mga nangyaring kailangan na ng prescence ko...
GUSTO KO NG UMUWI...
KAILANGAN KO NG UMUWI...
KELAN?
KELAN?
KELAN?
KELAN?
Published with Blogger-droid v2.0.4

No comments:

Post a Comment