Sa pinili kong propesyon, pasyente ang pinakamahalaga. Sila ang sentro ng trabaho namen. Ang taong tutulungan namen upang sila ay gumaling o maibsan man lang ang sakit na pinagdadaanan nila.
Paano ko ba idedescribe ang mga pasyente dito?
Mga hindi marunong magantay, bastos, walang common sense. Ilan lang yan sa ugali nila, hindi lang mga pasyente kundi karamihan sa mga saudia dito. Gusto nila pag dumating sila, dapat unahin mu sila kahit may nauna sa kanila. Kung bastusin at sigawan ka sa harap ng ibang tao, ganun ganun na lang. Kung umasta akala mu binili ka na nila. Kung tayong mga pinoy, halimbawang may sakit tayo hanggang maari pinipilit nateng wag munang kumusulta s doktor. Self medication ang uso saten. Minsan nga oa na ang pagdodoktor doktoran naten. Haha. Pero dito magasgasan lang sila takbo na dito para ipalinis. Mainit lng ang anak nilang tatlong patong ang damet, nilalagnat na sa kanila. Nilungad lang ang bagong panganak na sanggol, nagsusuka na sa kanila yun. Matatawa ka nalang sa kanila.
Dito nasubok ang haba ng pasensya ko. Inubos nila ng bongga! Panget mang tingnan, minsan pinapatulan ko na. Nakakainit na ng ulo ang kabastusan nila. Hindi ko kinaya.
Pero sa 10 saudia na nakikilala ko sa isang araw, meron pa ding sumusulpot na isang saudia na maayos kausap, marunong magantay, may respeto sayo kahit hindi ka nila kalahi.
At the end of the day merong isang pasyente na magsasabi ng "Shokran, sister!" (salamat, sister) ang gaan gaan na sa pakiramdam. Sa mga taong masasama ang ugali, may naligaw na naappreciate ka at ang tulong na nagawa mu sa kanila. Mapapaisip ka na sana ganun na lang ang lahat ng tao dito...
Published with Blogger-droid v2.0.4
No comments:
Post a Comment