Ang dameng
tumatakbo sa utak ko minsan – ang gulo – gulo, sala-salabat ang linya sa utak
ko. Feeling ko sasabog ako anytime. Kapag ganitong nagkakatrapik trapik na ang
neurons sa utak ko, at di nila makagawa ng tama ang dapat nilang gawin, kung
anu-anong thoughts ang tumatakbo sa utak ko. Sira ulo na nga talaga yata ako.
Pakiramdam
ko mag-isa ako, wala akong kakampi. Walang handang makinig. Walang handang
tumapik sa balikat ko. Walang handang yumakap saken. Walang kaibigan o kahit
stranger na magaaksaya ng oras para saken. Self pity, kadramahan, pa-emo epek,
depression.
Naalala ko
noong nagduty kame sa mental institution, nag-assist kame sa pasyenteng
maguundergo ng ECT (ElectroConvulsive Therapy.) Ginagawa ang procedure na to sa
mga taong sobra na ang depression - yung tipong naggive up na ang mga anti-depressant drugs sa kanila. Sila ung tipong taong bumitaw na, sumuko na.
Kukuryentihin nila ang utak nila, kumbaga sa alarm clock gigisingin nila ang
neurons mong papetiks petiks sa loob ng utak mo, at gawin ang dapat nilang
gawin para di kana madepress. Naisip ko minsan, kung pede ko bang gawin ang
procedure na yun? Baka sakaling maayos ang sala-salabat na linya sa utak ko at
tumakbo ng maayos.
Tapos after
a few hours ng kadramahan ko sa buhay, at kakalma na ko, minsan naiisip ko ang
simple simple lang naman talaga ang dapat kong gawin pag parang sasabog na ang
utak ko, bakit hindi ko subukang pumikit at huminga ng malalim. Bakit hindi ko
subukang alisin ang negative thoughts at isiping hindi ako nag-iisa. Dahil alam
kong hinding hindi ako iiwan ni LORD at ng daddy kong nasa langit na. alam kong
pag feeling kong magisa ako nakayakap sila sa akin at hindi nila ako iiwan.
Nakikinig sila hindi lang sa sinasabe ng utak ko pati na din sa sinasabe ng
isip at puso ko.
No comments:
Post a Comment