Saturday, August 11, 2012

Religion or Love


*photo not mine

La La La L.O.V.E.

Kapag inlab ang isang tao, lahat colorful. Palaging blooming, laging good mood, kahit na gabundok ang problema asahang mong hanggang tenga pa din ang ngiti nyan kasi alam nyang may isang taong mahal na mahal sya. Iba talaga ang nadudulot ng LOVE sa isang tao. Nagiging possible ang imposible, nagiging rational ang irrational, lahat may logic, lahat nagkakadahilan.


Ganyan ako noon sa unang boyfriend ko way back 2005. I was 19 years old that time Ang saya saya ko lage. Inspired akong mag-aral, ang rainy days nagiging sunny. Syempre gusto kong ishare ang kasiyahan ko sa family ko. Noong pinakilala ko sya sa bahay, ang unang tanong ng relihiyosang mommy ko “Katoliko ka ba iho?” Patay na! Hindi kame magkapareho ng relihiyon.


 Alam kong naiimagine mo na ang susunod na nangyari. Hindi ok sa mommy ko ang boyfriend ko noon. Ang tito ko kasi (kapatid ng mommy ko) ay nagpalit ng religion dahil sa tita kong hindi katoliko. Medyo rocky ang naging marriage nila pero naayos pa din naman nila at some point. Sila naman ni daddy ay separated for ten years na nagkabalikan lang nung high school ako. Ayaw daw ng mommy ko na mangyari saken un.


At dahil sa magical feeling na nararamdaman ko sa lalaking yon noon, sinuway ko ang ina ko. Go pa din ako sa pakikipagrelasyon ko sa kanya. Tipong you and me against the world ang drama namen sa buhay. Pati friends ko ayaw sa kanya – medyo mayabang kasi si mokong. Pero ako, sige pa din, love ko eh, paki ko sa inyo!!! Sa isip ko, hindi lahat ng couple na hindi magkapareho ng religion ay may failed relationship, papatunayan namen na hindi kame ganon.


Pero ang magical sunny days ko, nagiging gloomy. Naalis ang boyfriend ko sa religion nila dahil saken, masama daw na makipagrelasyon sila sa hindi nila kapareho. Guilting guilty ako. At dahil sa nagiging rational nga ang irrational, walang second thoughts kong sinabe na magpapaconvert na ko for him – nang hindi nalalaman ng parents ko at ng kahit na sino sa side ko. I did this because of my undying and unreasonable love for him.


Sa mga lectures ko about their religion – especially about their faith, naguguluhan ako. Bilang isang batang lumaki sa sagrado katolikong pamilya – naging lector, choir at youth member na active sa simbahan. Alam kong may mali. Parang hindi tama, iba sa kinalakihang kong paniniwala, iba sa relihiyong mahal ko. Pero ginawa ko pa rin dahil sa pagmamahal ko sa lalaking yon, sa isip ko, worth it lahat ng ito, wala lang to, kasi makakasama ko naman sya eh. May pinapatunayan kame eh.


I was almost there, macoconvert na ko. Magiging lehitimong kasapi na ko ng relihiyon nila nang nakita ako ng kaibigan ng mommy ko at sinabe nya ang nangyayari saken at mga ginagawa ko. World war ang drama naming mag-ina. Pero iba talaga ang DIYOS KO – hindi nya hinayaan na talikuran ko ang relihiyon na mahal ko at pinaniniwalaan ko. Bago ang conversion ko, nalaman kong may babae ang mokong na pinaglaban ko sa kahit na kanino. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko, yun pa ang igaganti nya sa akin. Parang dehado naman na yata ako. Ang unfair!!! Habang nakikipagdebate ako sa mommy ko at pilit kong minamahal ang religion nya, iba ang pinagkakaabalahan nya.


Naghiwalay kame after ng isang taong pagkabulag sa kanya at sa pagmamahal kuno nya saken. Natauhan ako sa mga maling ginawa ko. Inembrace ko ulet ang friends kong inaaway ko dahil sa mga illogical actions ko. Nagsorry ako a parents ko lalo na sa mommy ko.


At higit sa lahat sobrang nahihiya ako at nagsorry kay LORD dahil sa muntik kong pagbitaw sa kanya. Narealize ko ngayon na katoliko ako, at mamamatay akong sarado katoliko. Mahal ko ang relihiyon ko, mahal ko ang paniniwala ko. Mahal ko si LORD.


Hindi ako against sa ibang religion. Ginagalang ko ang faith nila. Ginagalang ko sila.


Ngayon pag naiisip ko ang chapter ng buhay ko nay un, natatawa na lang ako. Akalain mong nagawa ko yun. Akalain mong muntik na kong bumitaw. Pero hinding hindi na mangyayari ulet saken to. Natuto na ko…


No comments:

Post a Comment