Saturday, March 31, 2012

Ang nega mo kasi!

Kagabi tinanong ako ng friend ko, (Habang depress na depress ako at nagseself pity...)
Friend: tatanungin kita... Pag naholdap ka sa jeep at nakuha ang brand new mong phone, wallet, at iba pang importanteng gamit, anung gagawin mu?
Me: madedepress ako... Ang malas malas ko talaga!!!
Friend: wrong answer! Madedepress ka oo.. Pero diba mas magandang nagpasalamat kang buhay ka at hindi ka sinaktan ng holdaper..
AND THAT HIT ME BIG TIME!
Ang nega nega ko kasi! Sa lahat ng nangyayari meron pa din akong dapat ipagpasalamat. Mali lang ako ng side na tinitingnan...
Sabe nga sa commercial,
THINK POSITIVE, WAG KANG AAYAW!
Published with Blogger-droid v2.0.4

Friday, March 30, 2012

Faith...

Grabe akong madepress. Sobrang dinidibdib ko ang lahat ng problemang nangyayari saken. Dumadating sa puntong tinatanong ko na ang sarili ko, baket ako? Baket ganito? Nawawalan na ako ng faith minsan, pag hirap na hirap na akong harapin ang lahat. Kiniquestion ko na si Lord kung baket nangyayari sakin to. Paliit ng paliit ang faith ko.
After a while, pag nahimasmasan na ako...
Marerealize kong mali lahat yun. Baket ko kiniquestion si Lord? Hindi nya ako bibigyan ng pagsubok na hindi ko kakayanin. May tamang panahon at pagkakataon na ibibigay nya din un. Wag magmadali. Sa grocery at sari sari lang ang instant ngayon. Ang buhay ko ay hindi instant na pag may problema ako gusto ko may solusyon agad.
Nakakaguilty kasi yung thought lang na binuhay nya ako, na hindi ako pinabayaan sa isang araw, wala akong sakit at ok ang lahat ng mahal ko sa buhay dapat ipagpasalamat ko na.
Unting pagsubok to test my faith ganito na ako agad.
Hindi dapat ganito..
Have faith aizzie and everything will turn out well.
GOD LOVES YOU...
Published with Blogger-droid v2.0.4

My Agony of Waiting

Alam mo yung feeling na parang walang pakialam sayo. Sadyang manhid at pinagwawalang bahala kahit na humagulgol ka pa sa harap nia.
Yan ang nangyayari sakin ngayon. Araw araw na akong nakikiusap sa employer ko na pauwiin na ako. Tapos na ang contract at iquama ko. Kahit isang aksyon wala akong nakikita sa kanya. Sa susunod na linggo, after ten days, yan ang lagi nyang palusot saken. Pag may dumating na bagong nurse saka daw ako makakauwi. Kelan pa cya dadating. Hanggang kelan pa ako dito. Natatakot ako sa sinasabe nya, mamaya magkaproblema ako sa papel ko hindi ko pa alam. Marami syang koneksyon sa labas, dinadaan nya ang lahat sa pera nia kaya mabilis syang nakakapagasikaso. Ang tanong kelan nya balak ayusin ang paguwi ko.
Philippine Embassy... Naisip ko ng tawagan yan. Natatakot lang ako dahil baka lalo lang nila akong ihold, lalo lang akong madelay, lalo lang magkaproblema. Sabe ng mga tao dito wag daw akong tumawag, baka may madamay pang iba. Dati kasi may nagsumbong ng egyptian nurse dito sa embassy nila. Pinatalsik sya kasama ng lahat ng kalahi nya. Baka daw gawin sa akin un, sa lahat ng pinay dito.
Pero hanggang kelan ako magaantay, hanggang kelan ako mangungulit. Malaman ko lng na pinaprocess na ang papel ko at pinapabook ako mananahimik na ako. Gusto ko lang umuwi agad dahil sa dame ng problema between my parents, mga nangyaring kailangan na ng prescence ko...
GUSTO KO NG UMUWI...
KAILANGAN KO NG UMUWI...
KELAN?
KELAN?
KELAN?
KELAN?
Published with Blogger-droid v2.0.4

Hold...

Alam mo yung feeling na parang walang pakialam sayo. Sadyang manhid at pinagwawalang bahala kahit na humagulgol ka pa sa harap nia.
Yan ang nangyayari sakin ngayon. Araw araw na akong nakikiusap sa employer ko na pauwiin na ako. Tapos na ang contract at iquama ko. Kahit isang aksyon wala akong nakikita sa kanya. Sa susunod na linggo, after ten days, yan ang lagi nyang palusot saken. Pag may dumating na bagong nurse saka daw ako makakauwi. Kelan pa cya dadating. Hanggang kelan pa ako dito. Natatakot ako sa sinasabe nya, mamaya magkaproblema ako sa papel ko hindi ko pa alam. Marami syang koneksyon sa labas, dinadaan nya ang lahat sa pera nia kaya mabilis syang nakakapagasikaso. Ang tanong kelan nya balak ayusin ang paguwi ko.
Philippine Embassy... Naisip ko ng tawagan yan. Natatakot lang ako dahil baka lalo lang nila akong ihold, lalo lang akong madelay, lalo lang magkaproblema. Sabe ng mga tao dito wag daw akong tumawag, baka may madamay pang iba. Dati kasi may nagsumbong ng egyptian nurse dito sa embassy nila. Pinatalsik sya kasama ng lahat ng kalahi nya. Baka daw gawin sa akin un, sa lahat ng pinay dito.
Pero hanggang kelan ako magaantay, hanggang kelan ako mangungulit. Malaman ko lng na pinaprocess na ang papel ko at pinapabook ako mananahimik na ako. Gusto ko lang umuwi agad dahil sa dame ng problema between my parents, mga nangyaring kailangan na ng prescence ko...
GUSTO KO NG UMUWI...
KAILANGAN KO NG UMUWI...
KELAN?
KELAN?
KELAN?
KELAN?
Published with Blogger-droid v2.0.4

Tuesday, March 20, 2012

I heart music - 01

Goyte's Somebody that I used to know
But you didn't have to cut me off
Make out like it never happened and that we were nothing
And I don't even need your love
But you treat me like a stranger and that feels so rough
No you didn't have to stoop so low
Have your friends collect your records and then change your number
I guess that I don't need that though
NOW YOUR JUST SOMEBODY THAT I USED TO KNOW
<3<3<3  so addicting... <3<3<3
Published with Blogger-droid v2.0.4

Quotes I live by - 03


"Happiness is a choice not a result nothing will make you happy until you choose to be happy."
Published with Blogger-droid v2.0.4

Monday, March 19, 2012

'coz depression never leaves...


Pag may problema ang tao na hindi masolusyunan agad o isang bagay na nangyaring hindi niya matanggap - madalas syang dumaan sa stage of DEPRESSION.
Isa ako sa mga taong sa supermarket dumideretso pag nadedepress, particularly sa chocolates and ice cream section. Uuwi ng bahay, magmumukmok sa kwarto habang hawak sa kamay ang ubod ng laking tsokolate o isang gallon ng ice cream na balak mong solohin. Sino mang sumubok manghingi ay makakatikim ng lumelevel up na high kick at super punch galing saken! Triple knock out ang katapat, kawawang nilalang.
Anu nga ba ang meron sa tsokolate at sorbetes? Bakit sila ang lagi nating takbuhan pag depress tayo?
Sabe ng professor ko nung college, ibaling naten ang sisi kay Mr. ENDORPHIN, the happy hormones. Siya ang may kasalanan dahil sa pageksena nya sa contents ng chocolates and ice cream kaya parang kesaya saya naten sa pagkain na yan. And because depression never leaves my side, I will forever embrace the happiness that I feel with chocolates and ice cream! o_O
Published with Blogger-droid v2.0.4

ipit pilipit...


Situation :
Dalawang importanteng tao sa buhay ko, dalawang taong hindi ko kayang wala sa tabe ko ang hindi magkaunawaan ngayon. Pataasan ng pride ang labanan. Lumelevel up ang pagsasawalang kibo ng isa't isa. Sasabihin ng isa, mali ang ginawa niya, wala akong balak makipag ayos sa kanya. Depensa ng isa, hindi niya ba naisip na kaya ako nagkakaganito ay dahil sa kanya din nagsimula.
Nalilito na ko. Stress na stress na ang utak ko. Ipit na ipit na ko sa kanilang dalawa.Hindi ko alam papano kakausapin ang dalawang tao na nagpapataasan ng pride. Hindi ba nila naisip ang mararamdaman ko. Hindi ba nila naisip na nasasaktan din ako....
DEAR LORD, PLEASE GIVE ME STRENGTH. I CAN'T DO THIS ON MY OWN.
Published with Blogger-droid v2.0.4

Quotes I live by - 002


"If you don't like something, change it. If you can't change it, change your attitude."
Published with Blogger-droid v2.0.4

Wednesday, March 14, 2012

Quotes I live by -01


The only person you can believe when they say I LOVE YOU is your parents, they won't go breaking your heart
Published with Blogger-droid v2.0.4

Heaven Sent

Sa mahigit dalawang taon na nandito ako sa saudi, hindi ko naaapreciate ni minsan ang ugali ng mga arabo. Mga mayabang, matapobre, bastos at kung anu anu pa. Wala pa nga yatang sampu ang kilala kong arabo na may maayos na ugali.
Hindi ko inakala na isang arabo na complete stranger para saken ang tutulong sa problema ko sa lisensya ko dito. Ayaw kasing ibigay ng amo ko ang license ko dahil sya daw ang nagbayad nun at wala naman daw silbi sa pinas ang license q dito.
Mr. Ibrahim ang pangalan ng good samaritan na tumulong saken para makakuha ako ng copy ng license ko. May koneksyon sa ministry kaya natulungan nya kame. Huwag na lang daw namen sabihin sa amo namen dahil baka magkaproblema pa.
Ang bait bait talaga ni LORD!!! Magpapadala talaga siya ng tao para tumulong sayo. Hinding hindi niya tayo pababayaan.

WE JUST HAVE TO COMPLETELY TRUST AND HAVE FAITH IN OUR ALMIGHTY LORD!!!

GLORY BE TO GOD!
Published with Blogger-droid v2.0.4

balikbayan box...

Feels like a century have past, sa dame ng pagtitiis ko sa mga arabong makulit,dalawang taon n pla ako dito akalain mu yun.

UUWI NA AKO!!!

Pero bago ang araw ng paglisan ko sa disyertong to,syempre hindi pwedeng hindi ko gawin ang usual na ginagawa ng mga pinoy na pauwi na - ang magpadala ng balikbayan box

One year palang ako dito nagiipon na ako ng makita kong on sale sa Hyperpanda (parang SM Hypermarket saten.) Mapasabon pa yan,lotion, shampoo, de lata at kung anik anik, sige go grab lang ng grab! Naubos na nga ang ipon ko para mapunuan q ung kahon ko. Ang sarap ng feeling na makita mong bondat na bondat na si kahon sa laman nya sa loob.

Ibang usapan din ang pagtape ng labas ng kahon, may art pa akong nalalaman. Iniimagine ko na yung scene ng pagbubukas namen ng kahon sa pinas. Nakakaexcite!

Dumating na ang araw ng paglisan ng kahon ko. Akalain mong mauuna pa xang umalis saken s disyertong lugar na to. Hay! Masaya pa ding napuno ko siya para sa mga mahal ko sa buhay. :-)

To my dearest kahon,

Magiingat ka. Wag kang magpapalunod sa dagat! See you sa pinas!

Published with Blogger-droid v2.0.4

bff


Published with Blogger-droid v2.0.4