Hilig talaga ng mga pinoy ang pagkanta. Sa sobrang hilig ng mga pinoy kumanta, ang dame ng nagsusulputan na mga singing contest dito sa Pilipinas. Baket hindi, sadyang halos karamihan sa mga pinoy magagaling talagang kumanta. Hindi lang basta nakakakanta, talagang birit kung birit ang mga lolo at lola mo.
Kaya hindi na nakapagtataka kung may mababalitaan ka na mga Pinoy na sumasali sa mga bonggang bonggang singng compititions katulad ng American Idol. At hindi lang basta sumali talagang napili at napasama sa Top 12. Simula kila Jasmine Trias at Ramiel Malubay at ngayon kay Jessica Sanchez. Nung kay Jasmine palang talagang nakatutok na talaga kame nun. Sayang nga lang at hindi sya ang nanalo pero achievement pa din na napasama sya hanggang sa top three. Si Ramiel naman ay susme, bet na bet ko yun, kaso nga lang napabagsak sya sa mga song choices nya kaya natanggal sya agad.
Pero netong huli lang, ay lumelevel up si Jessica. simula palang talagang gusto na sya ng judges. Kaya talagang bumuhos ang suporta ng lahat sa kanya. Lalo na ng nakarating sya ng finale. Talagang tumutok kaming lahat. Isa lang ang nasa utak namen, na sana manalo sya. Na may lahing pinoy naman ang maging Season winner ng american idol.
Kaso parang natagilid sya kahapon sa winning song nya, hindi kasi nagustuhan ng judges ung kanta nya. Parang wala ung feeling na pang winning song talaga yun. Parang hindi para sa kanya. Tapos yung kay Philp Philips ay kabog, ang ganda ng kanta, ang ganda din ng pagkakanta nya. Napaisp tuloy ako, baka manalo si Philip.
Kaninang umaga, 8am talagang gumising ako. para mapannod ang announcement of winner. Nalungkot ako ng sinabeng si Philip ang nanalo. Magaling si Philip pero cyampre iba pa din kung si Jessica ang nanalo. PInoy yun eh. Pride nateng lahat!!!
Anyway, hindi pa naman sa American Idol matatapos ang lahat. Yun lang naman ang naging daan para makilala sila. Lets face it, nakilala ng bongga si Jessica sa show na yun at maraming tao ang nagustuhan sya. Pagkatapos ng American Idol magkakaalaman kung sino talaga ang uusbong ang singing career. Marameng singer ang sikat ngayon na nanggaling sa American Idol na mas sikat pa kesa sa mga season winners ng nasabeng show.
At looking forward ako sa magiging career ni Jessica. Sana din dumalaw sya dito sa PIlipinas.
Go Jessica =)
Masaya tayo at nasa top two siya. Proud to be pinoys.
ReplyDeletevery Proud!!!
ReplyDelete