Monday, May 14, 2012

D.A.D.D.Y.

Isa akong self proclaimed na "Daddy'S Girl." Masyado akong spoiled sa daddy ko, lahat na yata ng hilingin ko binibigay nya saken. Hindi naman perpektong tatay si daddy, pero isa syang magaling na provider ng pamilya. Teacher sya dito sa Pilipinas na piniling mangibang bansa para sa kanyang pamilya. Almost 15 years na syang nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Mas lalong tumibay ang samahan namen nung nag-abroad din ako, pareho kasi kameng nasa saudi. Sa mga panahong homesick ako, sya ang lagi kong katext at kausap sa telepono. Marinig ko lang ang boses nya okay na ko!!!

May sakit sa puso si daddy, minsan inatake na sya sa Saudi. Sobra kameng nag-alala sa kanya, sinabe ko pa nga wag nalang syang bumalik ng Saudi. Ako nalang ang magtatrabaho sa malayo. Sa bahay na lang sya. Pero mapilit ang tatay ko, gusto nya pa ding bumalik dito. Marami kameng family problems sa bahay. Siguro gusto nya na lang din umiwas sa gulo kaya bumalik sya sa Saudi. Sa tuwing kausap ko sya, minsan sinasabe nya masakit ang dibdib nya. Nag-aalala ako ng sobra. Ibang tao naalagaan ko pero si daddy hindi ko matingnan. Grabe ang dasal ko na sana maging ok sya.

2012. Taon ng pag-uwi naming dalawa. Planado na ang lahat eh. Sabe ko magresign na sya dahil magreresign na din ako. Magpaopera na sya pagdating namen. Oo daw sabe nya. Gusto nyang magpaopera para naman daw humaba pa ng konti ang buhay nya. Ayokong naririnig yun sa kanya. Gusto ko pa syang mabuhay ng matagal.

March 15 sya umuwi ng pinas. Sabe ko antayin nya ang pagdating ko para masamahan ko na syang magpaopera. Ako ang magiging nurse nya. Ako ang mag-aalaga sa kanya. Sabe nya oo daw. AANTAYIN NYA ANG PAGDATING KO....


Kaso....


HINDI NYA NA KO NAANTAY...


APRIL 9, 2012 .

DUMATING ANG PINAKAMASAMANG BALITANG NATANGGAP KO SA BUONG BUHAY KO...


2 comments: