Yan ang madalas kong itanong sa sarili ko simula ng malaman kong ang balitang inwan na kami ni daddy. Bakit ngayon pa? Bakit si daddy pa? Bakit wala ako sa pinas ng nangyari to? Bakit hindi nya ko inantay?
Ang sakit sakit isipin at tanggapin ang nangyari na yun sa buhay ko. Tulala ako lagi at hindi makakain, ni hindi ko na nga kinakausap ang mga tao sa paligid ko. pag may nagcomfort saken iiyak nalang ako bigla. Mas malakas na iyak mag okay para saken. Wala akong pakialam kahit maingay na kong humahagulgol basta mailabas ko lang ang halong halong emosyon na nakakulong sa sarili ko.
Lagi kong sinasabi sa sarili ko okay pa xa nung sabado tapos bigla xang kinuha samen nung lunes. Bakit biglaan? Sabi pa nya aantayin pa nya pag-uwi ko. Madame pa kong plano sa paguwi ko kasama si daddy na hindi na matutupad. Bakit ganun? pwede namang ibang tao nlng ang nawala, bakit si daddy pa?"
Habang inaantay ang pag-aayos ng papel ko, wala akong ibang ginawa kundi magdasal. Magdasal na sana okay si daddy, na sana masaya na sya kasama si God at si Jesus. Sana makahabol ako kahit sa libing. Ang dame kong pinagdaanan makauwi lang agad. Kung kani-kanino ako humingi ng tulong. Sabi ko sa sarili ko lahat gagawin ko makita ko man lang kahit sa huling sandali si daddy.
May pagkakataon na nawawalan na ko ng pag-asa, iiyak na lang ako pero iba pa din talaga ang power of prayer. Napauwi pa din ako. Nakita ko pa din si daddy. Nabantayan ko pa din xa hanggang sa huli. Nakausap ko pa din xa kahit na walang sagot. Nakapaglakad pa din kame ng magkasama sa simbahan kahit na iba ang set-up. Nahawakan ko pa din ang mukha nya.
daddy and the 3 year old version of myself... |
Mahal na mahal ko ang daddy ko. Masakit mang nawala sya samen pero alam kong masaya na sya ngayon. Alam kong kahit saan ako magpunta kasama ko lang sya.
After all ako pa din ang little girl nya.
No comments:
Post a Comment