Showing posts with label dad. Show all posts
Showing posts with label dad. Show all posts

Tuesday, May 22, 2012

D.A.D.D.Y. part 2

Baket!!


Yan ang madalas kong itanong sa sarili ko simula ng malaman kong ang balitang inwan na kami ni daddy. Bakit ngayon pa? Bakit si daddy pa? Bakit wala ako sa pinas ng nangyari to? Bakit hindi nya ko inantay?


Ang sakit sakit isipin at tanggapin ang nangyari na yun sa buhay ko. Tulala ako lagi at hindi makakain, ni hindi ko na nga kinakausap ang mga tao sa paligid ko. pag may nagcomfort saken iiyak nalang ako bigla. Mas malakas na iyak mag okay para saken. Wala akong pakialam kahit maingay na kong humahagulgol basta mailabas ko lang ang halong halong emosyon na nakakulong sa sarili ko.


Lagi kong sinasabi sa sarili ko okay pa xa nung sabado tapos bigla xang kinuha samen nung lunes. Bakit biglaan? Sabi pa nya aantayin pa nya pag-uwi ko. Madame pa kong plano sa paguwi ko kasama si daddy na hindi na matutupad. Bakit ganun? pwede namang ibang tao nlng ang nawala, bakit si daddy pa?"


Habang inaantay ang pag-aayos ng papel ko, wala akong ibang ginawa kundi magdasal. Magdasal na sana okay si daddy, na sana masaya na sya kasama si God at si Jesus. Sana makahabol ako kahit sa libing. Ang dame kong pinagdaanan makauwi lang agad. Kung kani-kanino ako humingi ng tulong. Sabi ko sa sarili ko lahat gagawin ko makita ko man lang kahit sa huling sandali si daddy.


May pagkakataon na nawawalan na ko ng pag-asa, iiyak na lang ako pero iba pa din talaga ang power of prayer. Napauwi pa din ako. Nakita ko pa din si daddy. Nabantayan ko pa din xa hanggang sa huli. Nakausap ko pa din xa kahit na walang sagot. Nakapaglakad pa din kame ng magkasama sa simbahan kahit na iba ang set-up. Nahawakan ko pa din ang mukha nya.


daddy and the 3 year old version of myself...


Mahal na mahal ko ang daddy ko. Masakit mang nawala sya samen pero alam kong masaya na sya ngayon. Alam kong kahit saan ako magpunta kasama ko lang sya.


After all ako pa din ang little girl nya. 

Monday, May 14, 2012

D.A.D.D.Y.

Isa akong self proclaimed na "Daddy'S Girl." Masyado akong spoiled sa daddy ko, lahat na yata ng hilingin ko binibigay nya saken. Hindi naman perpektong tatay si daddy, pero isa syang magaling na provider ng pamilya. Teacher sya dito sa Pilipinas na piniling mangibang bansa para sa kanyang pamilya. Almost 15 years na syang nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Mas lalong tumibay ang samahan namen nung nag-abroad din ako, pareho kasi kameng nasa saudi. Sa mga panahong homesick ako, sya ang lagi kong katext at kausap sa telepono. Marinig ko lang ang boses nya okay na ko!!!

May sakit sa puso si daddy, minsan inatake na sya sa Saudi. Sobra kameng nag-alala sa kanya, sinabe ko pa nga wag nalang syang bumalik ng Saudi. Ako nalang ang magtatrabaho sa malayo. Sa bahay na lang sya. Pero mapilit ang tatay ko, gusto nya pa ding bumalik dito. Marami kameng family problems sa bahay. Siguro gusto nya na lang din umiwas sa gulo kaya bumalik sya sa Saudi. Sa tuwing kausap ko sya, minsan sinasabe nya masakit ang dibdib nya. Nag-aalala ako ng sobra. Ibang tao naalagaan ko pero si daddy hindi ko matingnan. Grabe ang dasal ko na sana maging ok sya.

2012. Taon ng pag-uwi naming dalawa. Planado na ang lahat eh. Sabe ko magresign na sya dahil magreresign na din ako. Magpaopera na sya pagdating namen. Oo daw sabe nya. Gusto nyang magpaopera para naman daw humaba pa ng konti ang buhay nya. Ayokong naririnig yun sa kanya. Gusto ko pa syang mabuhay ng matagal.

March 15 sya umuwi ng pinas. Sabe ko antayin nya ang pagdating ko para masamahan ko na syang magpaopera. Ako ang magiging nurse nya. Ako ang mag-aalaga sa kanya. Sabe nya oo daw. AANTAYIN NYA ANG PAGDATING KO....


Kaso....


HINDI NYA NA KO NAANTAY...


APRIL 9, 2012 .

DUMATING ANG PINAKAMASAMANG BALITANG NATANGGAP KO SA BUONG BUHAY KO...