Sunday, December 25, 2011

MinMin


Malapit na naming matapos and City Hunter!!! Yehey!!!! Last three episodes to go at magwawakas na ang series na kinaadikan namen. Ang ganda ng chemistry ni Lee Min Ho and Park Min Young! They look good together. Super happy ako for them na hanggang real life ang kilig moments nila! NAKAKAADIK AND MinMin!!!

HoHoHo

My baby Toph and I wishes you a very merry Christmas!!!

Monday, December 19, 2011

Newbie sa Saudi part 3: Bagong Salta..

Pasalamat pa din ako kasi binigyan ako ni daddy ng mga lumang sim card na gamit nya dito sa Saudi. Good thing may laman pang load ung iba. Ginamit ko yun pantawag sa employer ko, tinanong ko kung kelan nya ko susunduin. Hay buti nalang tumawag sya at sabe nya mga 10pm nya pa ako masusundo. Grabe 2pm nasa Riyadh na ko, gabe na pala ako masusundo. Lahat ng Pinay dun nakakwentuhan ko na. karamihan sa kanila puro domestic helper - madameng touching stories. Alam mo naman ang Pinoy dinadaan sa kwentuhan ang inip at pag-aanatay, kaso gutom na kameng lahat, ang susunget pa naman ng mga tao dun sa waiting area. Tapos sabe nung ex- abroad na kasama kong nag-aantay minsan daw merong mga employer na ilang araw bago masundo ang employuye nila. May nabaliw na nga daw kakaantay sa susundo wala pa ding dumadating. Kaya nga salamat talaga sa Diyos at alam ko ang contact number ng amo ko at nagkausap na kame. ayokong magstay dun tsaka gutom na ko.  HInati ko na nga ung natitirang biscuit na baon ko kila ateng kasama kong nag-aantay...


Finally pagdating ng pst 11pm, tinawag na ang pangalan ko. Yehey! Anjan na ang sundo ko! Nagpaalam na ako kila ate na nakasama ko dun. Nakita ko na yung employer kong arabo kinakabahan na naman ako kasi sabe nila hindi daw magaganda ang ugali ng mga Arabo. Pagdating sa sasakyan, dinaldal ko xa ng konti, sumasagot naman sya kahit papano - later ko nalang nalaman na unting unti lang pala ang alam na English ng amo ko. haha Kaya pala puro tungo lang ang sagot nya sa mga tanong ko..

Antok na antok na ko kaso pinipigilan kong matulog - baka kasi kung saan ako dalhin ng arabong to eh. Everytime may makikitang akong polyclinic akala ko doon na ung amen hindi pa pala. 1hr pa pala ang layo ng lugar ko sa Riyadh at yung sinabeng name ng clinic na binigay ng agency saken hindi yun ang pangalan ng clinic na pagtatrabahuhan ko. Kamusta naman talaga ang agency na yun db!!!

At long last dumating na ako sa clinic, sa taas nya ang flat ng mga nurses. Sabe ng agency saken bago ako umalis makakasama ko dun yung una nilang pinadalang Pinay sa clinic - si Rodella. Pero pagdating ko dun wala akong rodellang naabutan - nalipat na daw siya sa kabilang branch ng clinc namen. Dalawang Muslim na pinay ang naabutan ko dun, taga Maranao sila at limang Egyptian. Nabuhay ako sa sign language doon, kasi hindi marunong mag-english ung ibang lahing kasama ko. Yung dalawang Pinay naman na kasama ko medyo masunget saken.

Sabe ng head nurse namen bukas bibigyan ako uniform. Hindi daw kasi pwede ung dinala kong unifrom eh. kinabukasan bandang 10am binigyan na ako ng uniform at bumaba na daw ako agad para maorient..

Sa mga nangyari sa aken mula sa pag-aaply, pag-aayos ng papel at sa flight ko papuntang saudi, malaki ang pasasalamt ko kay Lord kasi hindi nya ako pinabayaan. Lage akong nagdadasal kasi hindi ko alam ang mangyayari saken sa lugar na to. Pasalamat ako kasi everytime na mukha na akong naliligaw at hindi na alam ang susunod na gagawin may tao pa din syang binibigay para tumulong saken. Ang bait bait talaga ni Lord!

eto na ang simula ng wala katapusang adventures ko sa kaharian ng saudi arabia...

*images are not mine =)

Newbie sa Saudi part 2: Lilipad na ko...

Halos tinakbo ko mula sa agency hanngang samen, kulang nalang sigawan ko ung mama sa LRT na bilisan nya. Tinext ang mga dapat itext. Pigil na pigil ang iyak ko habang nasa LRT habang tinitext ko si mommy na mamayang gabe na alis ko, iba pa din talaga pag dumating na yung araw na yun. Paguwi ko minamadali ako ni daddy, umalis na daw kame kasi baka maabutan kame ng traffic sa edsa. dumating na si mommy, bitbit ang mga huling ilalagay sa maleta ko. Pagdating ng kapatid ko sabe nya hindi nalang daw xa sasama... Grabe kung pwede lang huminto ang oras, hindi ko sila kayang iwan. Ayoko na yata. Hanggang sa bye bye part na. hagulgulan kame ng iyak ng kapatid ko, nakisali nadin si mommy...ang hirap hirap, ang sakit sa dibdib..

Maaga din kame nakarating sa airport, kumain muna kame ni mommy sa jollibee. Si daddy naiwan sa sasakyan, hindi kame in good terms ng daddy ko that time kaya hindi kame nagiimikan sa sasakyan. Kay mommy ako nagiiyak at nagsesentimyento. Si Ate Vangie ang kasabay ko pagpasok sa airport. Sinalubong kame ni Piyo - ang liason officer kuno ng agency - sinabe na kapag tinanong ako sa immigration sabihin ko dadalawin ko lang ang nanay ko na nakapag-asawa ng arabo. Oh db - malinaw pa sa sikat ng araw ang totoong kulay ng agency na pinasukan ko. 1am kame pumasok sa loob ni ate vangie. Kinakabahan pa nga ako kasi parang ang bigat bigat na ng maleta - baka maover baggage pa ko. Wala na akong dalang Philippine money that time. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa mommy ko,gusto ko na talagang umatras that time eh. Hanggang sa huling yakapan na bago pumasok sa loob - alam kong pigil na pigil lang ang luha nameng dalawa nung naghiwalay kame. Hirap ng ganon.



Pagpasok sa loob, pila, text, yan ang inatupag ko. At salamat sa Diyos hindo ako naexcess baggage. Si Piyo ayun nakamasid sa labas - pag may problema itext lang daw sya. Eto na immigration na, kinakabahan na ko, alam kong mali ang ilalagay ko sa form eh, alam kong hindi totoo ang sasabihin ko just in case tanungin ako. Good Thing lumagpas ako ng immigration ng walang kahirap hirap! Kaso si Ate Vangie nagkaproblema, antagal nya. Sabe nya mauna nalang ako, antayin ko na lang sya sa loob, eh di go with the flow na ko.Lumagpas na ko sa checking ng hand carry ko at kapkapan moments wala pa din si Ate Vangie. Nakasabay ko pa nga ang Aegis doon. Nakakatuwa lang.

Ayan nagkatagpo na din kame ni Ate Vangie sa wakas! Nagaantay nalang kame ng pagalis namen, 3am pa kasi ang flight namen. Nagkwento muna kame. Photographer sya na papuntang Al-Khobar yata. Nagtext na din ako ng final goodbyes kay mommy, hindi na ko nakapagpaalam kay daddy, hindi pa din naman kasi in good terms eh. Hanggang sa sinabe na ng attendant na pumila na according to seat number, ang malas hindi kame magkatabe ni Ate Vange, sobrang malayo yung seat number nya saken. Naghiwalay na kameng dalawa, pumasok na ko sa eroplano. Grabe first time ko toh! Hindi din naman pala nasusunod ang arrangements ng seat pagdating sa loob, andaya gusto ko pa anman sa tabi ng bintana.

Hindi ko alam ang features ng seat ko hehe nagtanong pa ako sa taong nasa likod ko, ang sunget kasi nung babaeng katabe ko, obvious na obvious pa namang first time ko hehe. Nakikigaya nga lang ako sa mga ginagawa ng mga tao sa paligid ko eh. Konting orientation tapos ayun tulugan time na. Last text kay mommy bago matulog. Sandaling sandali lang ako nakatulog. Nanood ng movie si ateng masunget kaya nakigaya ako hehe. 17 again ang pinanood ko, in fairness natapos ko xa at nagandahan ako. Tapos kainan time na pala. Ang sarap ng food kahit alm kon ininit lang yun sa microwave hehe. Hindi ko naubos lahat akala ko ibibigay nila yung hindi mo nakain yun pala kukuhanin din pala nila. Later ko nalang nalaman na pwede palang kuhanin at itabe na yun, pati nga ung socks at eye cover hindi ko kinuha eh. hehe



Dumatng na kame sa stop over namen sa Bahrain, go with the flow nalang ako hindi ko na makita si ate vangie eh. Magaantay pa ako ng two hours bago ang flight ko sa Riyadh. May nakakwentuhan akong mga Pinay na kasabay kong nag-aantay. mauuna lang ako ng flight time sa kanila pero paRiyadh din sila. Eto na time to go na naman, kinakabahan na talaga ako this time, kasi puro Arabo na ang kasabay ko, wala akong makitang babae. Natatakot ako! Awa ng Diyos nakasakay ako ng matiwasay sa eroplano. Sabe nung stewardess na pinay itatabi nya daw ako sa babae kasi nakakastress katabe ang mga Arabo. Dun ko nakilala si Ate Yvonne, Dentist papuntang Riyadh. Mabait talaga si Lord. Si Ate Yvonne ang nagguide saken hanggang sa makarating kame ng Riyadh airport papunta sa waiting area ng mga babae sa Airport. Aantayin mu ang employer mo na sunduin ka. Kinuha pa nila ang passport ko, sabe naman ni ate yvonne ibabalik yun pag dumating ang employer mo. Naabutan na ko ng mga nakakwentuhan kong Pinay sa Bahrain wala pa din ang susundo saken. 2pm ako dumating, 6pm wala pa din xa. Si Ate Yvonne nasundo na ng employer nya. Buti nalang may nakilala akong Pinoy dun na kasama kong nag-aantay si Ate Linda - mananahi xa ng wedding gowns sa Riyadh. Sabe nya mag-iingat ako dito, wag basta basta magtitiwala, pag kailangan ko ng tulong itext nya lang daw ako.

Kaso umalis na si Ate Linda hindi pa din ako nasusundo....


*images are not mine

Sunday, December 11, 2011

Newbie sa Saudi part 1: Ang simula ng lahat

After I took my board exam, struggle saken ang maghanap ng trabaho. Hanggang sa nagvolunteer nurse ako at nauwi sa pagiging school nurse for almost two years. Minsan nabanggit ng mommy ko na nag-apply daw papuntang Saudi Arabia yung friend nyang dentist. Kelangang din daw ng nurses sa clinic na aaplayan nya, sabe ni mommy itry ko daw. Ayoko!!! Yan ang una kong sagot. HIndi ko kayang umalis ng Pilipinas, tama nang si daddy na lang ang nasa ibang bansa. Pero pinilit pa din nila akong mag-apply, pati si dentist friend kinausap ako. Wag daw ako matakot, magkasama naman daw kame. Ako naman wala ng nagawa at parang si Kokey na OPO nalang ang naisagot.

At dahl sa pilit lang naman 'to, hindi bukal sa loob ko ang pag-aaply at pagaayos ng papers ko. School Nurse pa din naman ako that time eh, kung kelan ko gusto magayos ng papel saka lang ako magaabsent sa work at pupunta ng PRC, DFA at kung saan- saan pa. September ako nagstart magayos ng papers pero November ko xa natapos lahat, db tamad! Pero sabe nila kung nagpursue talaga ako na maayos agad lahat ng documents na kelangan ko within a month okay na daw lahat yun. HIndi biro magayos ng papers ha, nakakaiyak ang pagtravel at pagpila at yung thought na mabpapabalik-balik ka. Yung agency pa namang kumuha saken pinerahan lang kame at kung anu-anong sinasabeng mga dahilan. AYOKO NA TALAGA! Pero as always napilit ako at sabe ituloy ko na lang daw ang nasimulan ko.


First week ng december, settled na lahat ng papers ko - red ribbon, visa, medical ok na lahat yan. WALA NA TALAGANG ATRASAN TO! Ang kaso yung dentist friend ni mommy nagkaproblema pa sa medical nya, yan tuloy mauuna pa akong makaalis sa kanya. Sya pa naman tong ang laking pilit na magapply ako kasi kasama ko naman xa tapos mauuna pa din pala ako sa kanya. Any moment pwede na daw ako umalis sabe ng agency. Nakiusap kame ni mommy baka pwedeng after christmas nalang ako umalis, kaso hindi na daw pwede, urgently needed daw eh.Okay Fine! Tinanggap ko na lang na hindi ako makakapagpasko sa pinas.

December 14 suppose to be ang flight ko, pero naihanap ako ng agency ng makakasabay ko kahit hanggang sa eroplano lang na papunta din ng Saudi. Kaya naging indefinite na naman ang flight ko. Ang hirap iready ang sarili sa pagalis mo knowing na two years mong hindi makikita ang mga mahal mo sa buhay..HINDI KO YATA KAYA!!!!

December 18, 2009 - tinawagan ako ng agency para pumunta sa kanila. Pagdating ko dun sinabe nilang iready ko na ang sarili ko at mamayang gabe na daw ang flight ko....


*images are not mine =)

Saturday, December 10, 2011

City Hunter

From Boys over Flower to Perfect Match, sino ba naman ang hindi napanganga, napakilig at natuwa kay Lee Min Ho. Ang gwapo di bah!!! Ngipi pa lang nakakatunaw na. I was thrilled to know na he had another series - City Hunter. Marami daw ang nag-abang ng remake ng Korea sa isang Japanese Series and it made a very huge success.

Kaya after Lie to Me, at dahil sa hindi naman kame ganon kabusy after duty, City Hunter naman ang panonoorin namen. Lee Min Ho fever na naman 'to!

Lie To Me

 Adik ako sa korean series, mas hilig kong manood at magbasa ng subtitles kesa antayin xa sa primetime na puro cut at bitin pa. Nagbrowse ako minsan ng bago kong papanooring series nang nakita ko ang LIE TO ME, nacurious ako kasi ang alam ko may American Series with the same title. To my surprise, its Yoon Eun Hye. I love that girl big time. Isa ako sa mga nabaliw at naadik sa Princess Hours and Coffee Prince. Never heard of the guy that she's with pero dinownload ko pa din kasi maganda naman ang reviews about the series.

Isa lang ang masasabe ko while watching the series, super kilig as in to the nth power. Nakakatuwa si Hyun Ki Joon (Kang Ji Hwan). He's super sweet and so funny! I also love the plot, kakaiba kesa sa usual na story ng mga korean series.

Habang tumatagal lalong gumagwapo si Hyun Ki Joon sa paningin ko, sa umpisa kasi ang seryoso nya. Nakakaloka talaga xa! Wala akong maitapong scenes. My favorite is when Ki Joon announced to the whole world how much he loves Ah Jung. He's screaming his heart out that she means everything to him. Nakakainggit tuloy. Sana ako nalang si Ah Jung!!!

And the finale is super nice. HIndi katulad ng ibang series na bitin na bitin ka sa huli. Yung tipong matutuwa that ka na everything turns out so well. They are together,getting married and in love. I love the last few lines of the final season. I want to share it here:

"Love just came to me as a lie. Then the lie becomes love. Then we learned, that sometimes inside the lie, there  hides the truth that is more passionate than the reality."

I heard ipapalabas ang series na 'to sa pinas. For sure, magiging hit 'to sa mga Pinoy!!!

Wednesday, December 7, 2011

OFW

Remitance, overseas call, long letters chat, packages, paghatid at pagsundo sa airport - hindi na bago sa aken yan, dahil si daddy ay isang OFW, bagong bayani sabe nga nila. Pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na magiging isa ako sa kanila. Sa propesyon na pinili ko (o mas madaling sabihing "ipinakuha saken"), wala akong kabak balak na magtrabaho sa ibang bansa. Ang panuntunan ko noon sa buhay - "Pwede kong kitaiin sa 'Pinas ang kikitain ko sa ibang bansa!" Pero sa dame ng nurses sa pinas na walang trabaho, ayun kinain ko ang sinabe ko at sinubukang mag appltt abroad. Pinalad naman akong mapasok.

Sinasabe saken ni daddy noon mahirap mging OFW, napatunayan ko un nung ako na mismo ang nakaranas ng mga totoong nangyayari sa isang OFW - discrimination, miscommunication at grabeng patayan sa trabaho. At ang napakatinding kalaban mo ay ang HOMESICK. Pasalamat nalang ako at nasa iisang bansa kame ni daddy ngayon kaya natatawagan nya ko at napupuntahan.

Pag araw ng sweldo, itatabi na agad ang perang ipapadala sa pinas, hindi ako inoobliga ng mga magulang kong magpadala sa kanila, pero responsibildad kong tumulong sa kanila kahit papano. Minsan mas nakakastress pa ang kasama mong ibang lahi, nkakabaliw sila, gusto mo nalang sumuko at umuwi nalang sa pinas. Pero sabe nga ng tatay ko hindi ito Pilipinas na isang sakay mo lang ng MRT ay nasa bahay kana. Matutong makisama sa ibang tao lalo na sa ibang lahi para wag nalang magkaroon ng gulo. Madaling magsabi ng sorry at ipagwalang bahala nalang basta hindi ka nila sinasaktan o inaapakan.

Mahirap magng OFW. lahat titiisin mo para sa mga naiwan mo sa pinas - lahat magagawa mong gawin para sa kanila. Kaya nga marinig mo lang ang boses nila o makita sila sa internet ay heaven na para sa ameng malayo sa pinas. Meron na ulit kameng lakas para labanan ang hirap at pagod sa ibang bansa....

Saturday, December 3, 2011

hey!

aizzie here!!! Welcome to my page...

Hindi po ako isang manunulat o makata, isa lang akong taong mahilig magexpress ng sarili ko thru writing..

Salamat po sa pagbisita, sa uulitin ...