Pasalamat pa din ako kasi binigyan ako ni daddy ng mga lumang sim card na gamit nya dito sa Saudi. Good thing may laman pang load ung iba. Ginamit ko yun pantawag sa employer ko, tinanong ko kung kelan nya ko susunduin. Hay buti nalang tumawag sya at sabe nya mga 10pm nya pa ako masusundo. Grabe 2pm nasa Riyadh na ko, gabe na pala ako masusundo. Lahat ng Pinay dun nakakwentuhan ko na. karamihan sa kanila puro domestic helper - madameng touching stories. Alam mo naman ang Pinoy dinadaan sa kwentuhan ang inip at pag-aanatay, kaso gutom na kameng lahat, ang susunget pa naman ng mga tao dun sa waiting area. Tapos sabe nung ex- abroad na kasama kong nag-aantay minsan daw merong mga employer na ilang araw bago masundo ang employuye nila. May nabaliw na nga daw kakaantay sa susundo wala pa ding dumadating. Kaya nga salamat talaga sa Diyos at alam ko ang contact number ng amo ko at nagkausap na kame. ayokong magstay dun tsaka gutom na ko. HInati ko na nga ung natitirang biscuit na baon ko kila ateng kasama kong nag-aantay...
Finally pagdating ng pst 11pm, tinawag na ang pangalan ko. Yehey! Anjan na ang sundo ko! Nagpaalam na ako kila ate na nakasama ko dun. Nakita ko na yung employer kong arabo kinakabahan na naman ako kasi sabe nila hindi daw magaganda ang ugali ng mga Arabo. Pagdating sa sasakyan, dinaldal ko xa ng konti, sumasagot naman sya kahit papano - later ko nalang nalaman na unting unti lang pala ang alam na English ng amo ko. haha Kaya pala puro tungo lang ang sagot nya sa mga tanong ko..
Antok na antok na ko kaso pinipigilan kong matulog - baka kasi kung saan ako dalhin ng arabong to eh. Everytime may makikitang akong polyclinic akala ko doon na ung amen hindi pa pala. 1hr pa pala ang layo ng lugar ko sa Riyadh at yung sinabeng name ng clinic na binigay ng agency saken hindi yun ang pangalan ng clinic na pagtatrabahuhan ko. Kamusta naman talaga ang agency na yun db!!!
At long last dumating na ako sa clinic, sa taas nya ang flat ng mga nurses. Sabe ng agency saken bago ako umalis makakasama ko dun yung una nilang pinadalang Pinay sa clinic - si Rodella. Pero pagdating ko dun wala akong rodellang naabutan - nalipat na daw siya sa kabilang branch ng clinc namen. Dalawang Muslim na pinay ang naabutan ko dun, taga Maranao sila at limang Egyptian. Nabuhay ako sa sign language doon, kasi hindi marunong mag-english ung ibang lahing kasama ko. Yung dalawang Pinay naman na kasama ko medyo masunget saken.
Sabe ng head nurse namen bukas bibigyan ako uniform. Hindi daw kasi pwede ung dinala kong unifrom eh. kinabukasan bandang 10am binigyan na ako ng uniform at bumaba na daw ako agad para maorient..
Sa mga nangyari sa aken mula sa pag-aaply, pag-aayos ng papel at sa flight ko papuntang saudi, malaki ang pasasalamt ko kay Lord kasi hindi nya ako pinabayaan. Lage akong nagdadasal kasi hindi ko alam ang mangyayari saken sa lugar na to. Pasalamat ako kasi everytime na mukha na akong naliligaw at hindi na alam ang susunod na gagawin may tao pa din syang binibigay para tumulong saken. Ang bait bait talaga ni Lord!
eto na ang simula ng wala katapusang adventures ko sa kaharian ng saudi arabia...
*images are not mine =)
No comments:
Post a Comment