Halos tinakbo ko mula sa agency hanngang samen, kulang nalang sigawan ko ung mama sa LRT na bilisan nya. Tinext ang mga dapat itext. Pigil na pigil ang iyak ko habang nasa LRT habang tinitext ko si mommy na mamayang gabe na alis ko, iba pa din talaga pag dumating na yung araw na yun. Paguwi ko minamadali ako ni daddy, umalis na daw kame kasi baka maabutan kame ng traffic sa edsa. dumating na si mommy, bitbit ang mga huling ilalagay sa maleta ko. Pagdating ng kapatid ko sabe nya hindi nalang daw xa sasama... Grabe kung pwede lang huminto ang oras, hindi ko sila kayang iwan. Ayoko na yata. Hanggang sa bye bye part na. hagulgulan kame ng iyak ng kapatid ko, nakisali nadin si mommy...ang hirap hirap, ang sakit sa dibdib..
Maaga din kame nakarating sa airport, kumain muna kame ni mommy sa jollibee. Si daddy naiwan sa sasakyan, hindi kame in good terms ng daddy ko that time kaya hindi kame nagiimikan sa sasakyan. Kay mommy ako nagiiyak at nagsesentimyento. Si Ate Vangie ang kasabay ko pagpasok sa airport. Sinalubong kame ni Piyo - ang liason officer kuno ng agency - sinabe na kapag tinanong ako sa immigration sabihin ko dadalawin ko lang ang nanay ko na nakapag-asawa ng arabo. Oh db - malinaw pa sa sikat ng araw ang totoong kulay ng agency na pinasukan ko. 1am kame pumasok sa loob ni ate vangie. Kinakabahan pa nga ako kasi parang ang bigat bigat na ng maleta - baka maover baggage pa ko. Wala na akong dalang Philippine money that time. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa mommy ko,gusto ko na talagang umatras that time eh. Hanggang sa huling yakapan na bago pumasok sa loob - alam kong pigil na pigil lang ang luha nameng dalawa nung naghiwalay kame. Hirap ng ganon.
Pagpasok sa loob, pila, text, yan ang inatupag ko. At salamat sa Diyos hindo ako naexcess baggage. Si Piyo ayun nakamasid sa labas - pag may problema itext lang daw sya. Eto na immigration na, kinakabahan na ko, alam kong mali ang ilalagay ko sa form eh, alam kong hindi totoo ang sasabihin ko just in case tanungin ako. Good Thing lumagpas ako ng immigration ng walang kahirap hirap! Kaso si Ate Vangie nagkaproblema, antagal nya. Sabe nya mauna nalang ako, antayin ko na lang sya sa loob, eh di go with the flow na ko.Lumagpas na ko sa checking ng hand carry ko at kapkapan moments wala pa din si Ate Vangie. Nakasabay ko pa nga ang Aegis doon. Nakakatuwa lang.
Ayan nagkatagpo na din kame ni Ate Vangie sa wakas! Nagaantay nalang kame ng pagalis namen, 3am pa kasi ang flight namen. Nagkwento muna kame. Photographer sya na papuntang Al-Khobar yata. Nagtext na din ako ng final goodbyes kay mommy, hindi na ko nakapagpaalam kay daddy, hindi pa din naman kasi in good terms eh. Hanggang sa sinabe na ng attendant na pumila na according to seat number, ang malas hindi kame magkatabe ni Ate Vange, sobrang malayo yung seat number nya saken. Naghiwalay na kameng dalawa, pumasok na ko sa eroplano. Grabe first time ko toh! Hindi din naman pala nasusunod ang arrangements ng seat pagdating sa loob, andaya gusto ko pa anman sa tabi ng bintana.
Hindi ko alam ang features ng seat ko hehe nagtanong pa ako sa taong nasa likod ko, ang sunget kasi nung babaeng katabe ko, obvious na obvious pa namang first time ko hehe. Nakikigaya nga lang ako sa mga ginagawa ng mga tao sa paligid ko eh. Konting orientation tapos ayun tulugan time na. Last text kay mommy bago matulog. Sandaling sandali lang ako nakatulog. Nanood ng movie si ateng masunget kaya nakigaya ako hehe. 17 again ang pinanood ko, in fairness natapos ko xa at nagandahan ako. Tapos kainan time na pala. Ang sarap ng food kahit alm kon ininit lang yun sa microwave hehe. Hindi ko naubos lahat akala ko ibibigay nila yung hindi mo nakain yun pala kukuhanin din pala nila. Later ko nalang nalaman na pwede palang kuhanin at itabe na yun, pati nga ung socks at eye cover hindi ko kinuha eh. hehe
Dumatng na kame sa stop over namen sa Bahrain, go with the flow nalang ako hindi ko na makita si ate vangie eh. Magaantay pa ako ng two hours bago ang flight ko sa Riyadh. May nakakwentuhan akong mga Pinay na kasabay kong nag-aantay. mauuna lang ako ng flight time sa kanila pero paRiyadh din sila. Eto na time to go na naman, kinakabahan na talaga ako this time, kasi puro Arabo na ang kasabay ko, wala akong makitang babae. Natatakot ako! Awa ng Diyos nakasakay ako ng matiwasay sa eroplano. Sabe nung stewardess na pinay itatabi nya daw ako sa babae kasi nakakastress katabe ang mga Arabo. Dun ko nakilala si Ate Yvonne, Dentist papuntang Riyadh. Mabait talaga si Lord. Si Ate Yvonne ang nagguide saken hanggang sa makarating kame ng Riyadh airport papunta sa waiting area ng mga babae sa Airport. Aantayin mu ang employer mo na sunduin ka. Kinuha pa nila ang passport ko, sabe naman ni ate yvonne ibabalik yun pag dumating ang employer mo. Naabutan na ko ng mga nakakwentuhan kong Pinay sa Bahrain wala pa din ang susundo saken. 2pm ako dumating, 6pm wala pa din xa. Si Ate Yvonne nasundo na ng employer nya. Buti nalang may nakilala akong Pinoy dun na kasama kong nag-aantay si Ate Linda - mananahi xa ng wedding gowns sa Riyadh. Sabe nya mag-iingat ako dito, wag basta basta magtitiwala, pag kailangan ko ng tulong itext nya lang daw ako.
Kaso umalis na si Ate Linda hindi pa din ako nasusundo....
*images are not mine
No comments:
Post a Comment