Remitance, overseas call, long letters chat, packages, paghatid at pagsundo sa airport - hindi na bago sa aken yan, dahil si daddy ay isang OFW, bagong bayani sabe nga nila. Pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na magiging isa ako sa kanila. Sa propesyon na pinili ko (o mas madaling sabihing "ipinakuha saken"), wala akong kabak balak na magtrabaho sa ibang bansa. Ang panuntunan ko noon sa buhay - "Pwede kong kitaiin sa 'Pinas ang kikitain ko sa ibang bansa!" Pero sa dame ng nurses sa pinas na walang trabaho, ayun kinain ko ang sinabe ko at sinubukang mag appltt abroad. Pinalad naman akong mapasok.
Sinasabe saken ni daddy noon mahirap mging OFW, napatunayan ko un nung ako na mismo ang nakaranas ng mga totoong nangyayari sa isang OFW - discrimination, miscommunication at grabeng patayan sa trabaho. At ang napakatinding kalaban mo ay ang HOMESICK. Pasalamat nalang ako at nasa iisang bansa kame ni daddy ngayon kaya natatawagan nya ko at napupuntahan.
Pag araw ng sweldo, itatabi na agad ang perang ipapadala sa pinas, hindi ako inoobliga ng mga magulang kong magpadala sa kanila, pero responsibildad kong tumulong sa kanila kahit papano. Minsan mas nakakastress pa ang kasama mong ibang lahi, nkakabaliw sila, gusto mo nalang sumuko at umuwi nalang sa pinas. Pero sabe nga ng tatay ko hindi ito Pilipinas na isang sakay mo lang ng MRT ay nasa bahay kana. Matutong makisama sa ibang tao lalo na sa ibang lahi para wag nalang magkaroon ng gulo. Madaling magsabi ng sorry at ipagwalang bahala nalang basta hindi ka nila sinasaktan o inaapakan.
Mahirap magng OFW. lahat titiisin mo para sa mga naiwan mo sa pinas - lahat magagawa mong gawin para sa kanila. Kaya nga marinig mo lang ang boses nila o makita sila sa internet ay heaven na para sa ameng malayo sa pinas. Meron na ulit kameng lakas para labanan ang hirap at pagod sa ibang bansa....
No comments:
Post a Comment