Tuesday, May 22, 2012

D.A.D.D.Y. part 2

Baket!!


Yan ang madalas kong itanong sa sarili ko simula ng malaman kong ang balitang inwan na kami ni daddy. Bakit ngayon pa? Bakit si daddy pa? Bakit wala ako sa pinas ng nangyari to? Bakit hindi nya ko inantay?


Ang sakit sakit isipin at tanggapin ang nangyari na yun sa buhay ko. Tulala ako lagi at hindi makakain, ni hindi ko na nga kinakausap ang mga tao sa paligid ko. pag may nagcomfort saken iiyak nalang ako bigla. Mas malakas na iyak mag okay para saken. Wala akong pakialam kahit maingay na kong humahagulgol basta mailabas ko lang ang halong halong emosyon na nakakulong sa sarili ko.


Lagi kong sinasabi sa sarili ko okay pa xa nung sabado tapos bigla xang kinuha samen nung lunes. Bakit biglaan? Sabi pa nya aantayin pa nya pag-uwi ko. Madame pa kong plano sa paguwi ko kasama si daddy na hindi na matutupad. Bakit ganun? pwede namang ibang tao nlng ang nawala, bakit si daddy pa?"


Habang inaantay ang pag-aayos ng papel ko, wala akong ibang ginawa kundi magdasal. Magdasal na sana okay si daddy, na sana masaya na sya kasama si God at si Jesus. Sana makahabol ako kahit sa libing. Ang dame kong pinagdaanan makauwi lang agad. Kung kani-kanino ako humingi ng tulong. Sabi ko sa sarili ko lahat gagawin ko makita ko man lang kahit sa huling sandali si daddy.


May pagkakataon na nawawalan na ko ng pag-asa, iiyak na lang ako pero iba pa din talaga ang power of prayer. Napauwi pa din ako. Nakita ko pa din si daddy. Nabantayan ko pa din xa hanggang sa huli. Nakausap ko pa din xa kahit na walang sagot. Nakapaglakad pa din kame ng magkasama sa simbahan kahit na iba ang set-up. Nahawakan ko pa din ang mukha nya.


daddy and the 3 year old version of myself...


Mahal na mahal ko ang daddy ko. Masakit mang nawala sya samen pero alam kong masaya na sya ngayon. Alam kong kahit saan ako magpunta kasama ko lang sya.


After all ako pa din ang little girl nya. 

blogs ng pinoy part 2

inaccept na nila ako!!!

Yehey!!!


Monday, May 14, 2012

D.A.D.D.Y.

Isa akong self proclaimed na "Daddy'S Girl." Masyado akong spoiled sa daddy ko, lahat na yata ng hilingin ko binibigay nya saken. Hindi naman perpektong tatay si daddy, pero isa syang magaling na provider ng pamilya. Teacher sya dito sa Pilipinas na piniling mangibang bansa para sa kanyang pamilya. Almost 15 years na syang nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Mas lalong tumibay ang samahan namen nung nag-abroad din ako, pareho kasi kameng nasa saudi. Sa mga panahong homesick ako, sya ang lagi kong katext at kausap sa telepono. Marinig ko lang ang boses nya okay na ko!!!

May sakit sa puso si daddy, minsan inatake na sya sa Saudi. Sobra kameng nag-alala sa kanya, sinabe ko pa nga wag nalang syang bumalik ng Saudi. Ako nalang ang magtatrabaho sa malayo. Sa bahay na lang sya. Pero mapilit ang tatay ko, gusto nya pa ding bumalik dito. Marami kameng family problems sa bahay. Siguro gusto nya na lang din umiwas sa gulo kaya bumalik sya sa Saudi. Sa tuwing kausap ko sya, minsan sinasabe nya masakit ang dibdib nya. Nag-aalala ako ng sobra. Ibang tao naalagaan ko pero si daddy hindi ko matingnan. Grabe ang dasal ko na sana maging ok sya.

2012. Taon ng pag-uwi naming dalawa. Planado na ang lahat eh. Sabe ko magresign na sya dahil magreresign na din ako. Magpaopera na sya pagdating namen. Oo daw sabe nya. Gusto nyang magpaopera para naman daw humaba pa ng konti ang buhay nya. Ayokong naririnig yun sa kanya. Gusto ko pa syang mabuhay ng matagal.

March 15 sya umuwi ng pinas. Sabe ko antayin nya ang pagdating ko para masamahan ko na syang magpaopera. Ako ang magiging nurse nya. Ako ang mag-aalaga sa kanya. Sabe nya oo daw. AANTAYIN NYA ANG PAGDATING KO....


Kaso....


HINDI NYA NA KO NAANTAY...


APRIL 9, 2012 .

DUMATING ANG PINAKAMASAMANG BALITANG NATANGGAP KO SA BUONG BUHAY KO...


blogs ng pinoy

simple lang naman ang blog ko, kung anu anu lang na maisipang isulat. hindi ko na nga din alam kung may sense pa ba tong mga pinopost ko..

and then minsan sa boring kong buhay..

nasearch ko ang site na to..


woah.. andameng blogs... parang nanliliit naman ang blog ko sa mga blogs ng mga kasali dito.

pakapalan nalang ng mukha..

join na ko!!! 

may masabi man sila sa mga pinag gagawa ko sa blog ko okay lang,

malay mo may maging friend pa ko dito!!! 




pinas!!

unang post ko na nandito na ko sa pinas!! wheee!!!


dame nangyari na iisa isahin ko..


later!!!

Sunday, April 8, 2012

20 days to go!!


Sa pinili kong propesyon, pasyente ang pinakamahalaga. Sila ang sentro ng trabaho namen. Ang taong tutulungan namen upang sila ay gumaling o maibsan man lang ang sakit na pinagdadaanan nila.
Paano ko ba idedescribe ang mga pasyente dito?
Mga hindi marunong magantay, bastos, walang common sense. Ilan lang yan sa ugali nila, hindi lang mga pasyente kundi karamihan sa mga saudia dito. Gusto nila pag dumating sila, dapat unahin mu sila kahit may nauna sa kanila. Kung bastusin at sigawan ka sa harap ng ibang tao, ganun ganun na lang. Kung umasta akala mu binili ka na nila. Kung tayong mga pinoy, halimbawang may sakit tayo hanggang maari pinipilit nateng wag munang kumusulta s doktor. Self medication ang uso saten. Minsan nga oa na ang pagdodoktor doktoran naten. Haha. Pero dito magasgasan lang sila takbo na dito para ipalinis. Mainit lng ang anak nilang tatlong patong ang damet, nilalagnat na sa kanila. Nilungad lang ang bagong panganak na sanggol, nagsusuka na sa kanila yun. Matatawa ka nalang sa kanila.
Dito nasubok ang haba ng pasensya ko. Inubos nila ng bongga! Panget mang tingnan, minsan pinapatulan ko na. Nakakainit na ng ulo ang kabastusan nila. Hindi ko kinaya.
Pero sa 10 saudia na nakikilala ko sa isang araw, meron pa ding sumusulpot na isang saudia na maayos kausap, marunong magantay, may respeto sayo kahit hindi ka nila kalahi.
At the end of the day merong isang pasyente na magsasabi ng "Shokran, sister!" (salamat, sister) ang gaan gaan na sa pakiramdam. Sa mga taong masasama ang ugali, may naligaw na naappreciate ka at ang tulong na nagawa mu sa kanila. Mapapaisip ka na sana ganun na lang ang lahat ng tao dito...
Published with Blogger-droid v2.0.4

malapit na!


Dalawang taon at halos apat na buwan - ganyan na ako katagal dito sa saudi. Sa panahon na yan andame kong nakilala at natutunan. At sa haba ng mga buwan at araw na tiniis ko, hindi ko naisip na dadating talaga ang araw ng paguwi ko. Eto na un oh!
Uuwi na daw ako sa 28 ng april!
Akalain mu yun 20 days na lang!!
Kung pwede lang hilahin ang mga araw para 28 na, ginawa ko na. At para malibang ako habang inaantay ko ang much awaited event ng buhay ko ngayon, magkacountdown nalang ako, kasama ng pagpost sa mga taong nakilala at nakasalamuha ko dito!
28 dumating ka na!
Published with Blogger-droid v2.0.4