Saturday, August 11, 2012

Religion or Love


*photo not mine

La La La L.O.V.E.

Kapag inlab ang isang tao, lahat colorful. Palaging blooming, laging good mood, kahit na gabundok ang problema asahang mong hanggang tenga pa din ang ngiti nyan kasi alam nyang may isang taong mahal na mahal sya. Iba talaga ang nadudulot ng LOVE sa isang tao. Nagiging possible ang imposible, nagiging rational ang irrational, lahat may logic, lahat nagkakadahilan.


Ganyan ako noon sa unang boyfriend ko way back 2005. I was 19 years old that time Ang saya saya ko lage. Inspired akong mag-aral, ang rainy days nagiging sunny. Syempre gusto kong ishare ang kasiyahan ko sa family ko. Noong pinakilala ko sya sa bahay, ang unang tanong ng relihiyosang mommy ko “Katoliko ka ba iho?” Patay na! Hindi kame magkapareho ng relihiyon.


 Alam kong naiimagine mo na ang susunod na nangyari. Hindi ok sa mommy ko ang boyfriend ko noon. Ang tito ko kasi (kapatid ng mommy ko) ay nagpalit ng religion dahil sa tita kong hindi katoliko. Medyo rocky ang naging marriage nila pero naayos pa din naman nila at some point. Sila naman ni daddy ay separated for ten years na nagkabalikan lang nung high school ako. Ayaw daw ng mommy ko na mangyari saken un.


At dahil sa magical feeling na nararamdaman ko sa lalaking yon noon, sinuway ko ang ina ko. Go pa din ako sa pakikipagrelasyon ko sa kanya. Tipong you and me against the world ang drama namen sa buhay. Pati friends ko ayaw sa kanya – medyo mayabang kasi si mokong. Pero ako, sige pa din, love ko eh, paki ko sa inyo!!! Sa isip ko, hindi lahat ng couple na hindi magkapareho ng religion ay may failed relationship, papatunayan namen na hindi kame ganon.


Pero ang magical sunny days ko, nagiging gloomy. Naalis ang boyfriend ko sa religion nila dahil saken, masama daw na makipagrelasyon sila sa hindi nila kapareho. Guilting guilty ako. At dahil sa nagiging rational nga ang irrational, walang second thoughts kong sinabe na magpapaconvert na ko for him – nang hindi nalalaman ng parents ko at ng kahit na sino sa side ko. I did this because of my undying and unreasonable love for him.


Sa mga lectures ko about their religion – especially about their faith, naguguluhan ako. Bilang isang batang lumaki sa sagrado katolikong pamilya – naging lector, choir at youth member na active sa simbahan. Alam kong may mali. Parang hindi tama, iba sa kinalakihang kong paniniwala, iba sa relihiyong mahal ko. Pero ginawa ko pa rin dahil sa pagmamahal ko sa lalaking yon, sa isip ko, worth it lahat ng ito, wala lang to, kasi makakasama ko naman sya eh. May pinapatunayan kame eh.


I was almost there, macoconvert na ko. Magiging lehitimong kasapi na ko ng relihiyon nila nang nakita ako ng kaibigan ng mommy ko at sinabe nya ang nangyayari saken at mga ginagawa ko. World war ang drama naming mag-ina. Pero iba talaga ang DIYOS KO – hindi nya hinayaan na talikuran ko ang relihiyon na mahal ko at pinaniniwalaan ko. Bago ang conversion ko, nalaman kong may babae ang mokong na pinaglaban ko sa kahit na kanino. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko, yun pa ang igaganti nya sa akin. Parang dehado naman na yata ako. Ang unfair!!! Habang nakikipagdebate ako sa mommy ko at pilit kong minamahal ang religion nya, iba ang pinagkakaabalahan nya.


Naghiwalay kame after ng isang taong pagkabulag sa kanya at sa pagmamahal kuno nya saken. Natauhan ako sa mga maling ginawa ko. Inembrace ko ulet ang friends kong inaaway ko dahil sa mga illogical actions ko. Nagsorry ako a parents ko lalo na sa mommy ko.


At higit sa lahat sobrang nahihiya ako at nagsorry kay LORD dahil sa muntik kong pagbitaw sa kanya. Narealize ko ngayon na katoliko ako, at mamamatay akong sarado katoliko. Mahal ko ang relihiyon ko, mahal ko ang paniniwala ko. Mahal ko si LORD.


Hindi ako against sa ibang religion. Ginagalang ko ang faith nila. Ginagalang ko sila.


Ngayon pag naiisip ko ang chapter ng buhay ko nay un, natatawa na lang ako. Akalain mong nagawa ko yun. Akalain mong muntik na kong bumitaw. Pero hinding hindi na mangyayari ulet saken to. Natuto na ko…


Aizzie's Head



Ang dameng tumatakbo sa utak ko minsan – ang gulo – gulo, sala-salabat ang linya sa utak ko. Feeling ko sasabog ako anytime. Kapag ganitong nagkakatrapik trapik na ang neurons sa utak ko, at di nila makagawa ng tama ang dapat nilang gawin, kung anu-anong thoughts ang tumatakbo sa utak ko. Sira ulo na nga talaga yata ako.
 

Pakiramdam ko mag-isa ako, wala akong kakampi. Walang handang makinig. Walang handang tumapik sa balikat ko. Walang handang yumakap saken. Walang kaibigan o kahit stranger na magaaksaya ng oras para saken. Self pity, kadramahan, pa-emo epek, depression.

 
Naalala ko noong nagduty kame sa mental institution, nag-assist kame sa pasyenteng maguundergo ng ECT (ElectroConvulsive Therapy.) Ginagawa ang procedure na to sa mga taong sobra na ang depression - yung tipong naggive up na ang mga anti-depressant drugs sa kanila. Sila ung tipong taong bumitaw na, sumuko na. Kukuryentihin nila ang utak nila, kumbaga sa alarm clock gigisingin nila ang neurons mong papetiks petiks sa loob ng utak mo, at gawin ang dapat nilang gawin para di kana madepress. Naisip ko minsan, kung pede ko bang gawin ang procedure na yun? Baka sakaling maayos ang sala-salabat na linya sa utak ko at tumakbo ng maayos.
 

Tapos after a few hours ng kadramahan ko sa buhay, at kakalma na ko, minsan naiisip ko ang simple simple lang naman talaga ang dapat kong gawin pag parang sasabog na ang utak ko, bakit hindi ko subukang pumikit at huminga ng malalim. Bakit hindi ko subukang alisin ang negative thoughts at isiping hindi ako nag-iisa. Dahil alam kong hinding hindi ako iiwan ni LORD at ng daddy kong nasa langit na. alam kong pag feeling kong magisa ako nakayakap sila sa akin at hindi nila ako iiwan. Nakikinig sila hindi lang sa sinasabe ng utak ko pati na din sa sinasabe ng isip at puso ko.

Thursday, June 21, 2012

THE ONE THAT GOT AWAY


NOTE: gusto ko lang pong ishare ang nakakatuwang article na 'to. Napasmile nya kasi ako



Source: The Manila Times
By: Mark J. Macapagal

In your life, you’ll make note of a lot of people. Ones with whom you shared something special, ones who will always mean something. There’s the one you first kissed, the one you first loved, the one you lost your virginity to, the one you put on a pedestal, the one you’re with…and the one that got away.

Who is the one that got away? I guess it’s that person with who everything was great, everything was perfect, but the timing was just wrong. There was no fault in the person, there was no flaw in the chemistry, but the cards just didn’t fall the right way, I suppose. 

I believe in the fact that ending up with someone, finding a longtime partner that is, does not lie merely in the other person. I can actually argue that an equal part, or maybe even the greater part, has to do with the matter of timing. It has to do with you being ready to settle down and commit to someone in a way that goes beyond the little niceties of giddy romance.

How often have you gone through it without even realizing it? When you’re not ready to commit in that mature manner, it doesn’t matter who you’re with, it just doesn’t work. Small problems become big; inconsequentials become dealbreakers simply because you’re not ready and it shows. It’s not that you and the person you’re with are no good; it’s just that it’s not yet right, and little things become the flashpoint of that fact.

Then one day you’re ready. You really are. And when this happens you’ll be ready to settle down with someone. He or she may not be the most perfect, they might not be the brightest star of romance to ever have burned in your life, but it’ll work because you’re ready. It’ll work because it’s the right time and you’ll make it work. And it’ll make sense, it really will.

So that day comes when you’re finally making sense of things, and you find yourself to be a different person. Things are different, your approach is different, you finally understand who you are and what you want, and you’ve become ready because the time has truly arrived. And mind you, there’s no telling when this day will come. Hopefully you’re single but you could be in a long-term relationship, you could be married with three kids, it doesn’t matter.

All you know is that you’ve changed, and for some reason, the one that got away, is the first person you think about.

You’ll think about them because you’ll wonder, "What if they were here today?" You’ll wonder, "What if we were together now, with me as I am and not as I was?". That’s what the one that got away is. The biggest "What if?" you’ll have in your life. 

If you’re married, you’ll just have to accept the fact that the one that got away, got away. Believe me, nomatter how fairy tale you think your marriage is, this can happen to the best of us. But hopefully you’re mature enough to realize that you’re already with the one you’re with and this is just another test of your commitment, one which will just strengthen your marriage when you get past it. Sure, you’ll think about him/her every so often, but it’s alright. It’s never nice to live with a "might have been," but it happens.

Maybe the one that got away is the one who’s already married. In which case it’s the same thing. You just have to accept and know that your memories of that person will probably bring a nice little smile to your lips in the future when you’re old and gray and reminiscing. But if neither of that is the case, then it’s different. What do you do if it’s not yet too late? Simple…find him, find her. Because the very existence of a "one that got away" means that you’ll always wonder, what if you got that one?

Ask him out to coffee, ask her out to a movie, it doesn’t matter if you’ve dropped in from out of nowhere. You’d be surprised, you just might be "the one that got away" as well for the person who is your "the one that got away."

You might drop in from out of nowhere and it won’t make a difference.

If the timing is finally right, it’ll all just fall into place somehow and you know, I’m thinking, it would be a great feeling in the end, to be able to say to someone, "Hey you, you’re the one that almost got away." =)

BORED






Dalawang buwan na kong nasa pinas, dalwang buwan na kong tambay - at isa lang ang masasabe ko, grabe - BORED NA BORED NA KO!!!!!

Dati, pagkagraduate ko ng college, at habang nag-aantay ng results ng board exam. Certified tambay din naman ako, palaging nasa bahay at talagang walang halos ginagawa pero hindi ako nabagot ng ganito. Lahat na ginawa ko, maglinis ng bahay, magluto, matulog, matulog, kumain, kumain, manood ng tv ng dvd, matulog ulet, kumain ulet at matulog ulet.

Sawa na akong magstalk sa facebook at twitter. Dame ko na ding napanood na movies at korean series. pati books dame ko ng natapos. kung dati kuntento na ko magcamera whore, ngayon tamad na tamad na ko, ni magupload nga sa facebook kinatatamadan ko na samantalang date updated ako lagi.

O kaya lang ako bagot na bagot ay dahil sa wala akong LOVE LIFE! Ay hindi nasusukat dun ang pagkabagot ko sa buhay, hindi ko kailangan ng boyfriend para may taga-aliw ako sa buhay, eh di sana nagrent nalang ako ng clown!!! haha

Kailangan ko ng bagong hobby, bagong past time.

I NEED SOMETHING NEW IN MY LIFE!!!!


Monday, May 28, 2012

Human Heart Nature

Minsang bored na bored ako at wala na akong bagong website na mapuntahan. Dumalaw ako sa favorite kong forum site... please welcome GIRLTALK!!! (Click mu na matutuwa ka jan) Anyway punta ko sa Lets Primp and Pretty Section, sa Inexpensive yet Effective products. Jan kasi ako naghahanap ng bagong products na pede kong ity na sinasabe nilang maganda daw!

Trending sa mga kaGirl Talk ang Human Heart Nature Sunflower Beauty Oil. Naintriga ko, kaya mega search naman ang lola mo sa site nila. Try to visit their site. humanheartnature.com =)

Sabe sa description nila about the sunflower beauty oil:


Do you believe in miracles? How about 20 in a single bottle?
Our premium and best-selling Sunflower Beauty Oil is 100% Natural and packed withvitamins A, D & E that help moisturize and nourish your skin to give it that healthy glow -- without any harmful chemicals. It’s so effective and so versatile, the uses are endless! What kind of miracles, you ask? Well for starters it…


  1. Softens and gives you lighter-looking underarms

  1. Helps lighten dark under eye circles

  1. Helps lighten darks spots and pimple marks

  1. Moisturizes under eye area

  1. Helps prevent and diminish the appearance of stretch marks

  1. Softens feet soles, knees and elbows

  1. Removes stubborn makeup

  1. Can be used as overall body moisturizer

  1. Moisturizes dry hair ends

  1. Softens cuticles

  1. De-frizzes hair

  1. Adds shine to dull hair

  1. Helps relieve itching and inflammation caused by insect bites

  1. Nourishes and conditions eyelashes

  1. Lightens dark lips

  1. Soothes skin after shaving

  1. Relieves itchy scalp

  1. Helps soothe sunburn

  1. Smoothens skin from shaving

  1. Helps soothe rashes


Is there anything our Beauty Oil can't do?


At dahil sa bumobonggang desciption, naintriga ako!!! hindi naman masama ang 130 pesos para subukan ko db!


Thursday, May 24, 2012

paganda

ay kasalukuyang nagpapaganda ng blog. sana gumanda ka





gumanda ka!
gumanda ka!
gumanda ka!


*photo not mine =)

American Idol

Hilig talaga ng mga pinoy ang pagkanta. Sa sobrang hilig ng mga pinoy kumanta, ang dame ng nagsusulputan na mga singing contest dito sa Pilipinas. Baket hindi, sadyang halos karamihan sa mga pinoy magagaling talagang kumanta. Hindi lang basta nakakakanta, talagang birit kung birit ang mga lolo at lola mo.

Kaya hindi na nakapagtataka kung may mababalitaan ka na mga Pinoy na sumasali sa mga bonggang bonggang singng compititions katulad ng American Idol. At hindi lang basta sumali talagang napili at napasama sa Top 12. Simula kila Jasmine Trias at Ramiel Malubay at ngayon kay Jessica Sanchez. Nung kay Jasmine palang talagang nakatutok na talaga kame nun. Sayang nga lang at hindi sya ang nanalo pero achievement pa din na napasama sya hanggang sa top three. Si Ramiel naman ay susme, bet na bet ko yun, kaso nga lang napabagsak sya sa mga song choices nya kaya natanggal sya agad.

Pero netong huli lang, ay lumelevel up si Jessica. simula palang talagang gusto na sya ng judges. Kaya talagang bumuhos ang suporta ng lahat sa kanya. Lalo na ng nakarating sya ng finale. Talagang tumutok kaming lahat. Isa lang ang nasa utak namen, na sana manalo sya. Na may lahing pinoy naman ang maging Season winner ng american idol.




Kaso parang natagilid sya kahapon sa winning song nya, hindi kasi nagustuhan ng judges ung kanta nya. Parang wala ung feeling na pang winning song talaga yun. Parang hindi para sa kanya. Tapos yung kay Philp Philips ay kabog, ang ganda ng kanta, ang ganda din ng pagkakanta nya. Napaisp tuloy ako, baka manalo si Philip.

Kaninang umaga, 8am talagang gumising ako. para mapannod ang announcement of winner. Nalungkot ako ng sinabeng si Philip ang nanalo. Magaling si Philip pero cyampre iba pa din kung si Jessica ang nanalo. PInoy yun eh. Pride nateng lahat!!!



Anyway, hindi pa naman sa American Idol matatapos ang lahat. Yun lang naman ang naging daan para makilala sila. Lets face it, nakilala ng bongga si Jessica sa show na yun at maraming tao ang nagustuhan sya. Pagkatapos ng American Idol magkakaalaman kung sino talaga ang uusbong ang singing career. Marameng singer ang sikat ngayon na nanggaling sa American Idol na mas sikat pa kesa sa mga season winners ng nasabeng show.


At looking forward ako sa magiging career ni Jessica. Sana din dumalaw sya dito sa PIlipinas.

Go Jessica =)

Wednesday, May 23, 2012

Quotes I live by - 04







I’ve made a lot of mistakes.
I’ve accidentally done a lot of things, 
but I never accidentally told someone I loved them when I didn't.




by: https://twitter.com/#!/girlsstatus

Tuesday, May 22, 2012

I heart music - 02

BY Chance (You and I) by JRA

You and I
could be like Sonny and Cher
honey and bears
You and I
could be like Aladdin and Jasmine
lets make it happen...

delayed but happy

Cathay Pacific Airline

From Riyadh to Hongkong to Philippines (April 18 - 19, 2012)

delayed na delayed ang flight ko kasi bumabagyo sa hongkong that time 


Ako sa comfort room ng Riyadh international airport

Sandamakmak na turbulence ang naranasan ko sa byahe ko mula Riyadh hanggang Hongkong. Kasama na ang napakababaw na tulog dahil sa intsik na katabi kong hinawakan ang binti ko. Naloka ko nung hinawakan nya binti ko kaya simula nun hindi na ko natulog kahit na gustuhin ko, pag kasi inulit nya magsusumbong na ako buti na lang hindi na nya inulit. Baka masuntok ko na sya!!!


Piktyur sa labas ng Hongkong International Airport.

Pagdating ng Hongkong, check ng flight schedule ang lola mo, ayun delayed na naman. kaya naisipan kong naglagalag na lang muna sa loob ng airport.



Sa unting airport na napuntahan ko, masasabe kong Hongkong International Airport na ang pinakamaganda.


DISNEY SOTRE!!! MY FAVORITE STORE!!!

Isa lang naman talaga ang hinanap ko sa Hongkong International Airport. yun ay ang Disney Store!!! Ay grabe! Naubos oras ko sa store na yan. Naubos ko yata ung pinapalit kong Hongkong Dollars kakabili ng key chains at bag. Naoverwhelmed ako ng bongga sa mga nakikita ko. Nahihypnotize ako ni Mickey eh. Sabe ko sa sarili ko babalik ako dito Mickey, antayin mo ko ha, dadalawin kita sa tahanan mo! Promise =)

D.A.D.D.Y. part 2

Baket!!


Yan ang madalas kong itanong sa sarili ko simula ng malaman kong ang balitang inwan na kami ni daddy. Bakit ngayon pa? Bakit si daddy pa? Bakit wala ako sa pinas ng nangyari to? Bakit hindi nya ko inantay?


Ang sakit sakit isipin at tanggapin ang nangyari na yun sa buhay ko. Tulala ako lagi at hindi makakain, ni hindi ko na nga kinakausap ang mga tao sa paligid ko. pag may nagcomfort saken iiyak nalang ako bigla. Mas malakas na iyak mag okay para saken. Wala akong pakialam kahit maingay na kong humahagulgol basta mailabas ko lang ang halong halong emosyon na nakakulong sa sarili ko.


Lagi kong sinasabi sa sarili ko okay pa xa nung sabado tapos bigla xang kinuha samen nung lunes. Bakit biglaan? Sabi pa nya aantayin pa nya pag-uwi ko. Madame pa kong plano sa paguwi ko kasama si daddy na hindi na matutupad. Bakit ganun? pwede namang ibang tao nlng ang nawala, bakit si daddy pa?"


Habang inaantay ang pag-aayos ng papel ko, wala akong ibang ginawa kundi magdasal. Magdasal na sana okay si daddy, na sana masaya na sya kasama si God at si Jesus. Sana makahabol ako kahit sa libing. Ang dame kong pinagdaanan makauwi lang agad. Kung kani-kanino ako humingi ng tulong. Sabi ko sa sarili ko lahat gagawin ko makita ko man lang kahit sa huling sandali si daddy.


May pagkakataon na nawawalan na ko ng pag-asa, iiyak na lang ako pero iba pa din talaga ang power of prayer. Napauwi pa din ako. Nakita ko pa din si daddy. Nabantayan ko pa din xa hanggang sa huli. Nakausap ko pa din xa kahit na walang sagot. Nakapaglakad pa din kame ng magkasama sa simbahan kahit na iba ang set-up. Nahawakan ko pa din ang mukha nya.


daddy and the 3 year old version of myself...


Mahal na mahal ko ang daddy ko. Masakit mang nawala sya samen pero alam kong masaya na sya ngayon. Alam kong kahit saan ako magpunta kasama ko lang sya.


After all ako pa din ang little girl nya. 

blogs ng pinoy part 2

inaccept na nila ako!!!

Yehey!!!


Monday, May 14, 2012

D.A.D.D.Y.

Isa akong self proclaimed na "Daddy'S Girl." Masyado akong spoiled sa daddy ko, lahat na yata ng hilingin ko binibigay nya saken. Hindi naman perpektong tatay si daddy, pero isa syang magaling na provider ng pamilya. Teacher sya dito sa Pilipinas na piniling mangibang bansa para sa kanyang pamilya. Almost 15 years na syang nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Mas lalong tumibay ang samahan namen nung nag-abroad din ako, pareho kasi kameng nasa saudi. Sa mga panahong homesick ako, sya ang lagi kong katext at kausap sa telepono. Marinig ko lang ang boses nya okay na ko!!!

May sakit sa puso si daddy, minsan inatake na sya sa Saudi. Sobra kameng nag-alala sa kanya, sinabe ko pa nga wag nalang syang bumalik ng Saudi. Ako nalang ang magtatrabaho sa malayo. Sa bahay na lang sya. Pero mapilit ang tatay ko, gusto nya pa ding bumalik dito. Marami kameng family problems sa bahay. Siguro gusto nya na lang din umiwas sa gulo kaya bumalik sya sa Saudi. Sa tuwing kausap ko sya, minsan sinasabe nya masakit ang dibdib nya. Nag-aalala ako ng sobra. Ibang tao naalagaan ko pero si daddy hindi ko matingnan. Grabe ang dasal ko na sana maging ok sya.

2012. Taon ng pag-uwi naming dalawa. Planado na ang lahat eh. Sabe ko magresign na sya dahil magreresign na din ako. Magpaopera na sya pagdating namen. Oo daw sabe nya. Gusto nyang magpaopera para naman daw humaba pa ng konti ang buhay nya. Ayokong naririnig yun sa kanya. Gusto ko pa syang mabuhay ng matagal.

March 15 sya umuwi ng pinas. Sabe ko antayin nya ang pagdating ko para masamahan ko na syang magpaopera. Ako ang magiging nurse nya. Ako ang mag-aalaga sa kanya. Sabe nya oo daw. AANTAYIN NYA ANG PAGDATING KO....


Kaso....


HINDI NYA NA KO NAANTAY...


APRIL 9, 2012 .

DUMATING ANG PINAKAMASAMANG BALITANG NATANGGAP KO SA BUONG BUHAY KO...


blogs ng pinoy

simple lang naman ang blog ko, kung anu anu lang na maisipang isulat. hindi ko na nga din alam kung may sense pa ba tong mga pinopost ko..

and then minsan sa boring kong buhay..

nasearch ko ang site na to..


woah.. andameng blogs... parang nanliliit naman ang blog ko sa mga blogs ng mga kasali dito.

pakapalan nalang ng mukha..

join na ko!!! 

may masabi man sila sa mga pinag gagawa ko sa blog ko okay lang,

malay mo may maging friend pa ko dito!!! 




pinas!!

unang post ko na nandito na ko sa pinas!! wheee!!!


dame nangyari na iisa isahin ko..


later!!!

Sunday, April 8, 2012

20 days to go!!


Sa pinili kong propesyon, pasyente ang pinakamahalaga. Sila ang sentro ng trabaho namen. Ang taong tutulungan namen upang sila ay gumaling o maibsan man lang ang sakit na pinagdadaanan nila.
Paano ko ba idedescribe ang mga pasyente dito?
Mga hindi marunong magantay, bastos, walang common sense. Ilan lang yan sa ugali nila, hindi lang mga pasyente kundi karamihan sa mga saudia dito. Gusto nila pag dumating sila, dapat unahin mu sila kahit may nauna sa kanila. Kung bastusin at sigawan ka sa harap ng ibang tao, ganun ganun na lang. Kung umasta akala mu binili ka na nila. Kung tayong mga pinoy, halimbawang may sakit tayo hanggang maari pinipilit nateng wag munang kumusulta s doktor. Self medication ang uso saten. Minsan nga oa na ang pagdodoktor doktoran naten. Haha. Pero dito magasgasan lang sila takbo na dito para ipalinis. Mainit lng ang anak nilang tatlong patong ang damet, nilalagnat na sa kanila. Nilungad lang ang bagong panganak na sanggol, nagsusuka na sa kanila yun. Matatawa ka nalang sa kanila.
Dito nasubok ang haba ng pasensya ko. Inubos nila ng bongga! Panget mang tingnan, minsan pinapatulan ko na. Nakakainit na ng ulo ang kabastusan nila. Hindi ko kinaya.
Pero sa 10 saudia na nakikilala ko sa isang araw, meron pa ding sumusulpot na isang saudia na maayos kausap, marunong magantay, may respeto sayo kahit hindi ka nila kalahi.
At the end of the day merong isang pasyente na magsasabi ng "Shokran, sister!" (salamat, sister) ang gaan gaan na sa pakiramdam. Sa mga taong masasama ang ugali, may naligaw na naappreciate ka at ang tulong na nagawa mu sa kanila. Mapapaisip ka na sana ganun na lang ang lahat ng tao dito...
Published with Blogger-droid v2.0.4

malapit na!


Dalawang taon at halos apat na buwan - ganyan na ako katagal dito sa saudi. Sa panahon na yan andame kong nakilala at natutunan. At sa haba ng mga buwan at araw na tiniis ko, hindi ko naisip na dadating talaga ang araw ng paguwi ko. Eto na un oh!
Uuwi na daw ako sa 28 ng april!
Akalain mu yun 20 days na lang!!
Kung pwede lang hilahin ang mga araw para 28 na, ginawa ko na. At para malibang ako habang inaantay ko ang much awaited event ng buhay ko ngayon, magkacountdown nalang ako, kasama ng pagpost sa mga taong nakilala at nakasalamuha ko dito!
28 dumating ka na!
Published with Blogger-droid v2.0.4

Saturday, March 31, 2012

Ang nega mo kasi!

Kagabi tinanong ako ng friend ko, (Habang depress na depress ako at nagseself pity...)
Friend: tatanungin kita... Pag naholdap ka sa jeep at nakuha ang brand new mong phone, wallet, at iba pang importanteng gamit, anung gagawin mu?
Me: madedepress ako... Ang malas malas ko talaga!!!
Friend: wrong answer! Madedepress ka oo.. Pero diba mas magandang nagpasalamat kang buhay ka at hindi ka sinaktan ng holdaper..
AND THAT HIT ME BIG TIME!
Ang nega nega ko kasi! Sa lahat ng nangyayari meron pa din akong dapat ipagpasalamat. Mali lang ako ng side na tinitingnan...
Sabe nga sa commercial,
THINK POSITIVE, WAG KANG AAYAW!
Published with Blogger-droid v2.0.4

Friday, March 30, 2012

Faith...

Grabe akong madepress. Sobrang dinidibdib ko ang lahat ng problemang nangyayari saken. Dumadating sa puntong tinatanong ko na ang sarili ko, baket ako? Baket ganito? Nawawalan na ako ng faith minsan, pag hirap na hirap na akong harapin ang lahat. Kiniquestion ko na si Lord kung baket nangyayari sakin to. Paliit ng paliit ang faith ko.
After a while, pag nahimasmasan na ako...
Marerealize kong mali lahat yun. Baket ko kiniquestion si Lord? Hindi nya ako bibigyan ng pagsubok na hindi ko kakayanin. May tamang panahon at pagkakataon na ibibigay nya din un. Wag magmadali. Sa grocery at sari sari lang ang instant ngayon. Ang buhay ko ay hindi instant na pag may problema ako gusto ko may solusyon agad.
Nakakaguilty kasi yung thought lang na binuhay nya ako, na hindi ako pinabayaan sa isang araw, wala akong sakit at ok ang lahat ng mahal ko sa buhay dapat ipagpasalamat ko na.
Unting pagsubok to test my faith ganito na ako agad.
Hindi dapat ganito..
Have faith aizzie and everything will turn out well.
GOD LOVES YOU...
Published with Blogger-droid v2.0.4

My Agony of Waiting

Alam mo yung feeling na parang walang pakialam sayo. Sadyang manhid at pinagwawalang bahala kahit na humagulgol ka pa sa harap nia.
Yan ang nangyayari sakin ngayon. Araw araw na akong nakikiusap sa employer ko na pauwiin na ako. Tapos na ang contract at iquama ko. Kahit isang aksyon wala akong nakikita sa kanya. Sa susunod na linggo, after ten days, yan ang lagi nyang palusot saken. Pag may dumating na bagong nurse saka daw ako makakauwi. Kelan pa cya dadating. Hanggang kelan pa ako dito. Natatakot ako sa sinasabe nya, mamaya magkaproblema ako sa papel ko hindi ko pa alam. Marami syang koneksyon sa labas, dinadaan nya ang lahat sa pera nia kaya mabilis syang nakakapagasikaso. Ang tanong kelan nya balak ayusin ang paguwi ko.
Philippine Embassy... Naisip ko ng tawagan yan. Natatakot lang ako dahil baka lalo lang nila akong ihold, lalo lang akong madelay, lalo lang magkaproblema. Sabe ng mga tao dito wag daw akong tumawag, baka may madamay pang iba. Dati kasi may nagsumbong ng egyptian nurse dito sa embassy nila. Pinatalsik sya kasama ng lahat ng kalahi nya. Baka daw gawin sa akin un, sa lahat ng pinay dito.
Pero hanggang kelan ako magaantay, hanggang kelan ako mangungulit. Malaman ko lng na pinaprocess na ang papel ko at pinapabook ako mananahimik na ako. Gusto ko lang umuwi agad dahil sa dame ng problema between my parents, mga nangyaring kailangan na ng prescence ko...
GUSTO KO NG UMUWI...
KAILANGAN KO NG UMUWI...
KELAN?
KELAN?
KELAN?
KELAN?
Published with Blogger-droid v2.0.4

Hold...

Alam mo yung feeling na parang walang pakialam sayo. Sadyang manhid at pinagwawalang bahala kahit na humagulgol ka pa sa harap nia.
Yan ang nangyayari sakin ngayon. Araw araw na akong nakikiusap sa employer ko na pauwiin na ako. Tapos na ang contract at iquama ko. Kahit isang aksyon wala akong nakikita sa kanya. Sa susunod na linggo, after ten days, yan ang lagi nyang palusot saken. Pag may dumating na bagong nurse saka daw ako makakauwi. Kelan pa cya dadating. Hanggang kelan pa ako dito. Natatakot ako sa sinasabe nya, mamaya magkaproblema ako sa papel ko hindi ko pa alam. Marami syang koneksyon sa labas, dinadaan nya ang lahat sa pera nia kaya mabilis syang nakakapagasikaso. Ang tanong kelan nya balak ayusin ang paguwi ko.
Philippine Embassy... Naisip ko ng tawagan yan. Natatakot lang ako dahil baka lalo lang nila akong ihold, lalo lang akong madelay, lalo lang magkaproblema. Sabe ng mga tao dito wag daw akong tumawag, baka may madamay pang iba. Dati kasi may nagsumbong ng egyptian nurse dito sa embassy nila. Pinatalsik sya kasama ng lahat ng kalahi nya. Baka daw gawin sa akin un, sa lahat ng pinay dito.
Pero hanggang kelan ako magaantay, hanggang kelan ako mangungulit. Malaman ko lng na pinaprocess na ang papel ko at pinapabook ako mananahimik na ako. Gusto ko lang umuwi agad dahil sa dame ng problema between my parents, mga nangyaring kailangan na ng prescence ko...
GUSTO KO NG UMUWI...
KAILANGAN KO NG UMUWI...
KELAN?
KELAN?
KELAN?
KELAN?
Published with Blogger-droid v2.0.4

Tuesday, March 20, 2012

I heart music - 01

Goyte's Somebody that I used to know
But you didn't have to cut me off
Make out like it never happened and that we were nothing
And I don't even need your love
But you treat me like a stranger and that feels so rough
No you didn't have to stoop so low
Have your friends collect your records and then change your number
I guess that I don't need that though
NOW YOUR JUST SOMEBODY THAT I USED TO KNOW
<3<3<3  so addicting... <3<3<3
Published with Blogger-droid v2.0.4

Quotes I live by - 03


"Happiness is a choice not a result nothing will make you happy until you choose to be happy."
Published with Blogger-droid v2.0.4

Monday, March 19, 2012

'coz depression never leaves...


Pag may problema ang tao na hindi masolusyunan agad o isang bagay na nangyaring hindi niya matanggap - madalas syang dumaan sa stage of DEPRESSION.
Isa ako sa mga taong sa supermarket dumideretso pag nadedepress, particularly sa chocolates and ice cream section. Uuwi ng bahay, magmumukmok sa kwarto habang hawak sa kamay ang ubod ng laking tsokolate o isang gallon ng ice cream na balak mong solohin. Sino mang sumubok manghingi ay makakatikim ng lumelevel up na high kick at super punch galing saken! Triple knock out ang katapat, kawawang nilalang.
Anu nga ba ang meron sa tsokolate at sorbetes? Bakit sila ang lagi nating takbuhan pag depress tayo?
Sabe ng professor ko nung college, ibaling naten ang sisi kay Mr. ENDORPHIN, the happy hormones. Siya ang may kasalanan dahil sa pageksena nya sa contents ng chocolates and ice cream kaya parang kesaya saya naten sa pagkain na yan. And because depression never leaves my side, I will forever embrace the happiness that I feel with chocolates and ice cream! o_O
Published with Blogger-droid v2.0.4

ipit pilipit...


Situation :
Dalawang importanteng tao sa buhay ko, dalawang taong hindi ko kayang wala sa tabe ko ang hindi magkaunawaan ngayon. Pataasan ng pride ang labanan. Lumelevel up ang pagsasawalang kibo ng isa't isa. Sasabihin ng isa, mali ang ginawa niya, wala akong balak makipag ayos sa kanya. Depensa ng isa, hindi niya ba naisip na kaya ako nagkakaganito ay dahil sa kanya din nagsimula.
Nalilito na ko. Stress na stress na ang utak ko. Ipit na ipit na ko sa kanilang dalawa.Hindi ko alam papano kakausapin ang dalawang tao na nagpapataasan ng pride. Hindi ba nila naisip ang mararamdaman ko. Hindi ba nila naisip na nasasaktan din ako....
DEAR LORD, PLEASE GIVE ME STRENGTH. I CAN'T DO THIS ON MY OWN.
Published with Blogger-droid v2.0.4

Quotes I live by - 002


"If you don't like something, change it. If you can't change it, change your attitude."
Published with Blogger-droid v2.0.4

Wednesday, March 14, 2012

Quotes I live by -01


The only person you can believe when they say I LOVE YOU is your parents, they won't go breaking your heart
Published with Blogger-droid v2.0.4

Heaven Sent

Sa mahigit dalawang taon na nandito ako sa saudi, hindi ko naaapreciate ni minsan ang ugali ng mga arabo. Mga mayabang, matapobre, bastos at kung anu anu pa. Wala pa nga yatang sampu ang kilala kong arabo na may maayos na ugali.
Hindi ko inakala na isang arabo na complete stranger para saken ang tutulong sa problema ko sa lisensya ko dito. Ayaw kasing ibigay ng amo ko ang license ko dahil sya daw ang nagbayad nun at wala naman daw silbi sa pinas ang license q dito.
Mr. Ibrahim ang pangalan ng good samaritan na tumulong saken para makakuha ako ng copy ng license ko. May koneksyon sa ministry kaya natulungan nya kame. Huwag na lang daw namen sabihin sa amo namen dahil baka magkaproblema pa.
Ang bait bait talaga ni LORD!!! Magpapadala talaga siya ng tao para tumulong sayo. Hinding hindi niya tayo pababayaan.

WE JUST HAVE TO COMPLETELY TRUST AND HAVE FAITH IN OUR ALMIGHTY LORD!!!

GLORY BE TO GOD!
Published with Blogger-droid v2.0.4

balikbayan box...

Feels like a century have past, sa dame ng pagtitiis ko sa mga arabong makulit,dalawang taon n pla ako dito akalain mu yun.

UUWI NA AKO!!!

Pero bago ang araw ng paglisan ko sa disyertong to,syempre hindi pwedeng hindi ko gawin ang usual na ginagawa ng mga pinoy na pauwi na - ang magpadala ng balikbayan box

One year palang ako dito nagiipon na ako ng makita kong on sale sa Hyperpanda (parang SM Hypermarket saten.) Mapasabon pa yan,lotion, shampoo, de lata at kung anik anik, sige go grab lang ng grab! Naubos na nga ang ipon ko para mapunuan q ung kahon ko. Ang sarap ng feeling na makita mong bondat na bondat na si kahon sa laman nya sa loob.

Ibang usapan din ang pagtape ng labas ng kahon, may art pa akong nalalaman. Iniimagine ko na yung scene ng pagbubukas namen ng kahon sa pinas. Nakakaexcite!

Dumating na ang araw ng paglisan ng kahon ko. Akalain mong mauuna pa xang umalis saken s disyertong lugar na to. Hay! Masaya pa ding napuno ko siya para sa mga mahal ko sa buhay. :-)

To my dearest kahon,

Magiingat ka. Wag kang magpapalunod sa dagat! See you sa pinas!

Published with Blogger-droid v2.0.4

bff


Published with Blogger-droid v2.0.4

Monday, January 9, 2012

City Hunter I heart!



Bago pa man matapos ang 2011, natapos na namen ang "CITY HUNTER." Hindi namen tinigilan eh. The last two episodes were fantastic. Hindi ko natanggap na namatay si Prosecutor Kim Young Joo (Lee Jun Hyuk). Our room was filled with tears nung lamay nya. Nasasaktan ako for his ex-wife Jin Soo Hee (Hwang Sun Hee), sayang kasi kung hindi sana namatay si Young Joo, they will try to work things out and be together. Awang awa din kame sa father ni prosecutor na si Kim Jong Sik (Choi Il Hwa); halo halong lungkot, awa at grief ang makikita mo sa mukha nia.

Akalain ko rin bang tatay ni Lee Yun Seong (Lee Min Ho) si President Choi Eun Chan (Cheon Ho Jin) Na it turn out na ang gustong mangyari Lee Gin Pyo (KIm Sang Jung) ay patayin ng anak ang sarili nyang ama. I salute the president kasi in the first place tutol naman cya sa sweeping operation kaya willing syang patayin na lang ni Yun Seong. And the last part was really memorable. Gin Pyo was suppose to shoot the President but Yun Seong use his body to protect his father and was shot instead. Kim Na Na (Park Min Young) automaticallty shot Gin Pyo and was later shock for what just happened in front of her.

Gusto ko ung part na sinabe ni Gin Pyo na sya ang SOLE SURVIVOR ng sweeping operation 1983 and that HE WAS THE CITY HUNTER! At ang duguang sila Gin Pyo at Yun Seong was trying to reach out and hold each others hands. Feel na feel ko na sobrang mahal ni Gin Pyo si Yun Seong. Hindi nya nga lang maipakita or sa maling paraan nya pinaramdam yun sa anak nya. At least happy ending pa din. The 21 soldiers of 1983 was known for their sacrifice for their country. Yun Seong and Na Na are together again and will defintely lead a normal and a happy life!

ONE OF THE BEST KOREAN SERIES EVER!  Kaya sa mga nasa pinas nood na this January sa Kapamilya! (at nagpromote pa!) Nakakaadik to! Swear! HIndi kayo magsisisi.

First Day

First Day ng 2012!!!



Yes! Happy New year naman sa inyo!! Hindi kame sama samang nagcelebrate ng New Year. Ang tatay tatayan namen may pasok tapos si friendship umuwi na ng pinas! Tatlo lang kameng nagcelebrate ng 2012's first day plus our new member (yug pumalit ay friendship) Simpleng kainan lang ang nangyari. Okay na din yun at least nacelebrate namin ang bagong taon kahit papano.



Ang bumawi sa simple gathering namen ay ang unkabogable Vice Ganda! Love na love ni umma (our beloved nanay) ang taong yun! Pinilit ko talagang idownload ang PRAYBEYT BENJAMIN para mapanood namen sa Media Noche. And as expected hindi kame binigo ni Vice Ganda! Ang sakit ng tyan namen kakatawa. We had a very funny way to welcome 2012 thanks to Vice Ganda! At least mapupuno ng tawa ang buong 2012 namen!

NEW YEAR. NEW HOPE. NEW LIFE. Ayoko nang magNew Year's resolution hindi naman totoo yun. Walang pinipiling panahon at oras ang taong gustong magbago. Pagod na din ako kakatalon sa tuwing bagong taon hindi rin naman ako tumatangkad! Asa!!!

Bagong taon, bagong trials, bagong problems to face but with our ALMIGHTY FATHER, we can surely surpass all of that with flying colors! I am hoping for new life lessons, new friends and good heath for my loved ones!

HAPPY 2012 EVERYONE!!!

Happy Days

Happy days. Happy moments! Yan ang feeling ng lahat ng tao saan man sulok ng mundo (wowowee!!) tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon. Masarap sa pakiramdam na kasama mo ang mga mahal mo sa buhay sa okasyong ganyan. Pero dahil nga sa pagiging OFW ko dito sa disyerto na hindi naman sinecelebrate ang special na araw na 'to, kailangan gumawa kame ng paraan para naman kahit papano ay maging special din ang araw na yun para sa amin.



Sa Pilipinas, ramdam na ramdam mo ang Pasko sa labas dahil sa Christmas Tree, Christmas lights at mga Parol. Si Santa Claus with his reindeers nagkalat sa daan lalo na ang Belen na talaga namang pinagkakaabalahan ng sobra.   At since walang mga ganyan dito sa kaharian ng disyerto syempre improvise ang mga lola mo! Ganyan ang Pinoy, madiskarte at creative! Letter cutting para sa banner (ako gumawa nyan) at higit lalo na ang home made Christmas Tree namen. Ginawa naming poste ng tree ang Coat hanger (kung yun ang tawag dun!) Napakamalnourish ng tree namen dahil sa konting decorations pero at least mukha pa rin syang Christmas Tree. Ang over all design namen ay super duper cute (cyempre gawa namen) 100% sa effort!

At syempre hindi mawawala ang kainan! Favorite part ko yun! Tulong tulong kame sa pagprepare ng food. Nakakaloka sa busog ang Noche Buena namen. PIKTYUR PIKTYUR IS A MUST!!! Smile dito, smile dyan, basta makadampot ng phone o ng camera, click at pose ang mga loka loka! Sarap ng tawanan at kainan habang may Christmas Songs sa background.




Hindi rin kame magpapahuli sa parlor games sponsored by our loving tatay at nanay sa saudi. Naglagay sila ng papel sa loob ng mga lobo at ang mga feeling bata (kame yun) ay dapat mong putuking ang balloons using darts! Pag sinwerte ka, may nakasulat sa papel na amount ng pera na pede mong makuha! Oh di ba Instant Pamasko! Ang kaso hindi ako sanay magdarts, halos wala nga akong tinamaang lobo! Nakakaloka! Peo okay lang kasi sobrang saya namen kakalaro nun, tawa kame ng tawa. Ang gandang eksena! Buti nga hindi nagreklamo yung mga arabong kapitbahay namen sa ingay! hehe

My loving and funny Disyerto Family!


Wala pa ding tatalo sa Pasko sa Pinas! Pero kahit nasaan ka mang lupalop mapadpad, kung kasama mo naman ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sayo - mga taong TOTAL STRANGER noong una pero naging malapit sa puso mo magiging happy pa din ang Christmas mo!

A VERY HAPPY MOMENT INDEED!